Gabby Concepcion on “unwritten rules” with Sharon Cuneta

Nakatakdang magsama muli sa entablado ang dating mag-asawa na sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta para sa U.S. at Canada leg ng kanilang concert series na Dear Heart, na gaganapin sa October 26 hanggang November 29, 2024.

Ito ang kanilang follow-up matapos ang matagumpay nilang concert noong 2023.

Ang muling pagsasama nina Gabby at Sharon ay isang big treat para sa kanilang loyal fans na walang sawang sumusuporta sa kanila mula noon hanggang ngayon.

Sina Gabby at Sharon ay screen partners noong ‘80s, na nauwi sa relasyon at kasal.

Subalit hindi nagtagal ay nagkahiwalay rin sila.

Meron silang isang anak, si KC Concepcion.

Sa interview ng media kay Gabby sa Gabay Guro presscon noong September 25, 2024, nausisa ang dating matinee idol kung masaya siyang mag-perform onstage kasama ang ex-wife.

“Oo naman, kasi it brings back good memories,” sagot ng aktor.

“It brings back happy moments together not only with her, but with fans, and everybody who supported us through the years.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“So, lahat ng feeling na yon babalik lahat yon, and we’re going to experience that with people who left the country.”

GABBY ADMITS TO HAVING BOUNDARIES WITH SHARON

Sa kabila ng kanilang pagsasama sa series of concerts, inamin ni Gabby na may boundaries ang paghaharap nila ni Sharon kapag walang ibang tao.

“Meron mga unwritten rules, merong boundary of respect, fine line not to cross.

“We already know that. What is that, alam mo na iyon,” pagtukoy ni Gabby sa pagiging aware nila ni Sharon sa boundaries.

Dagdag niya, “So, we’re all adults now. We knew our past, and from then on, from now moving forward, wala na, maganda ang [pakikiharap] mo sa tao, maganda ang intention.”

Gabby Concepcion and Sharon Cuneta

Former couple Gabby Concepcion and Sharon Cuneta will hold a series of concerts in U.S. and Canada this October till November 2024.

GABBY ON THE BEST THING about WORKING WITH SHARON

Sumagot din si Gabby nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang pinakamasaya kapag nagpe-perform kasama si Sharon.

“We make a lot of people happy because marami kaming followers,” tugon niya.

“In fact, yung Sharon-Gabby Exclusive they’re still there. Pati mga wala naman sa grupo, but they’re there.

“Kaibigan namin, yung mga nakikilala namin, yung mga nakikita namin sa Instagram, yung mga sumasagot sa akin sa Instagram…

“Ang daming mga gusto kaming makitang mag-show.

“Yung generation kasi namin, they’re at that age na maraming nagre-retire na, made na sila, marami na silang namana or naging successful na sila, and they’re still around.

“But sometimes they’re just silent.

“So, ngayon nalaman nilang meron kaming gagawin, parang na-excite sila.”

Sinabi rin ni Gabby na pinaalalahan siya noon ng kanyang yumaong ama na walang ginawang masama sa kanila ang fans nila ni Sharon.

Kaya nararapat lang daw nilang suklian ang walang sawang suporta na ibinibigay ng mga ito sa kanila sa loob ng maraming taon.

Sabi ng aktor, “What do you do to give back? Wala ka namang puwedeng gawin but to be there, just be there. Be there for them.

“Whenever you have a show, just be there for them because they like to see you.”

Magandang pagkakataon daw ang isang concert para face-to-face na makaharap ang fans.

“And ito opportunity pa ito,” pagtukoy ni Gabby sa concert nila ni Sharon.

“You can see them eye to eye. Mas excited nga ako makita sila than makita nila ako.,

“Kasi gusto ko silang makita, kung sinu-sino itong mga sumuporta sa amin through the years.”