Fyang Smith is PBB Gen 11 Big Winner

Si Fyang Smith ng Mandaluyong City ang tinanghal na Big Winner sa Pinoy Big Brother Gen 11.

Nagtapos ang 11th season ng PBB ngayong Sabado, October 26, 2024.

Photo of Fyang Smith crying

Ang Anakabogerang Influencer ng Mandaluyong City na si Fyang ang PBB Gen 11 Big Winner. Photo: PBB ABS-CBN

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang panalo, nag-uwi si Fyang ng PHP1 milyon at isang house and lot, bukod pa sa ibang minor prizes.

Runner-up si Rain Celmar, habang third placer si Kolette Madelo, at fourth placer naman si Kai Montinola.

Photo of Rain Celmar

Ang Cheerfu-Langga ng Cebu na si Rain ang runner-up. Photo: PBB ABS-CBN

Napaiyak si Fyang sa kanyang panalo, at napabulalas ng: “Oh my God, I did it!”

Sa final tally of votes ay nakakuha si Fyang ng 30.66 percent.

May 26.05 percent naman si Rain.

Photo of Kolette Madelo

Nasa ikatlong puwesto ang Ma-cute-lit na Raketera ng General Santos na si Kolette. Photo: PBB ABS-CBN

Photo of Kai Montinola

Pumang-apat ang Singing Gwapa ng Cebu na si Kai. Photo: PBB ABS-CBN

Halos nakadikit kay Rain si Kolette na may 25.91 percent, habang 17.38 percent ang nakuha ni Kai.

Nakatanggap si Rain ng cash prize na PHP500,000.

Nakapag-uwi naman si Kolette ng PHP300,000, habang si Kai ay may PHP200,000.

Ang Big Four ay napagkalooban din ng roundtrip tour package sa South Korea.

PBB GEN 11, FIRST PBB SERIES TO FEATURE ALL-FEMALE FINALISTS

Nagsimula ang 11th season ng PBB Gen 11 (short for Generation 11) noong July 20, 2024.

Tumagal ito nang 99 na araw.

Photo of the Big Four

Ang PBB Gen 11 ang pinakaunang series ng PBB na puro babae ang finalists. Photo: PBB ABS-CBN

Ito ang seventh consecutive season kunsaan ang civilian adults and teenagers ay kapwa nag-participate sa PBB season.

Ginamit sa PBB Gen 11 ang katulad na format sa All In at Connect seasons para mamalagi ang mga housemates sa Bahay ni Kuya bilang batch.

Ito rin ang kauna-unahang season sa buong series ng PBB na puro babae ang Big Four.

Ikatlong season naman ito na dinomina ng teen housemates.