Fyang, inakalang si Kai ang magiging big winner ng PBB Gen 11

– Naidetalye ni Fyang ang kanyang naging reaksyon nang siya ang tanghaling big winner ng PBB Gen 11

– Aminado na maging siya ay nagulat nang siya ang nanalo

– Akala niya umano na si Kai ang makakakuha ng titulong big winner

– Kasunod ni Fyang, 2nd big placer si Rain na sinundan ni Kolette bilang 3rd big placer at 4th big placer naman si Kai

Sa panayam sa kanya ni Jeremiah Catamio ng Kapamilya chat, mabigyan ng pagkakataon si Fyang Smith na idetalye ang kanya umanong naramdaman nang tanghaling big winner sa katatapos lamang na Pinoy Big Brother Gen 11.

Fyang, inakalang si Kai ang magiging big winner ng PBB Gen 11
Fyang, inakalang si Kai ang magiging big winner ng PBB Gen 11 (Pinoy Big Brother)
Source: Facebook

Ayon kay Fyang, inakala niyang si ang 4th big placer na si Kai ang magiging big winner.

“Ang ine-expect ko talaga si Kai. Grabe, totoo! Sobrang matalino siya. Sobrang bait, as in big winner material din talaga si Kai.”

Read also

Ogie Diaz kay PBB big winner na si Fyang sa showbiz: “I think she can make it”

Kaya naman maging siya ay napatanong kung ano ang nakita sa kanya ng mga tao para suportahan hanggang sa makamit niya ang titulong big winner.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!

“Ha? Totoo ba to? Anong nakita niyo sa akin na hindi ko nakikita?”

Hindi rin umano makapaniwala si Fyang sa tindi ng suportang natanggap niya sa labas ng bahay ni kuya at nagulat nang magkaroon pa sila ng animo’y love team ng kanyang BFF sa PBB house na si JM.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Fyang na naibahagi rin ng @pbbgen11updatenow_ sa TikTok:

Ang Pinoy Big Brother ay isa sa popular na reality show ng ABS-CBN na nagsimula noong 2005. Sa unang season nito, 13 na mga housemates ang nanatili sa bahay ni kuya subalit apat lamang ang natira upang masungkit ang pagiging isang big winner. Si Nene Tamayo ang kauna-unahang big winner ng PBB.

Read also

Madam Inutz, nag-react sa mga nagsasabing kamukha siya ng mommy ni Fyang Smith

Isa sa mga hindi malilimutang tagpo sa katatapos lamang na PBB Gen 11 ay nang makilala na ni Kai ang kanyang tunay na ina. Masasabing hinangaan siya ng marami dahil sa ipinakita nitong reaksyon nang tuluyan na niyang makasama at makilala ang kanyang biological mother. Marami ang naluha umano sa episode na ito dahil na rin sa kabutihang puso na ipinakita ni Kai sa kanyang ina.

Si Kai ay napabilang sa big 4 kung saan siya’y tinanghal bilang 4th big placer. Si Kolette naman ang nakasungkit ng titulong 3rd big placer habang si Rain naman ang pumangalawa sa big winner na si Fyang Smith.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!