Franki Russell versus Ahtisa Manalo in Miss Cosmo 2024

Itinalaga si Franki Russell bilang Miss Cosmo New Zealand 2024.

Ibig sabihin, makakatunggali ni Franki ang pambato ng Pilipinas na si Miss Cosmo Philippines 2024 Ahtisa Manalo sa Miss Cosmo 2024, isang bagong international pageant.

Hindi pa man sinisimulan ang pageant, isa nang fan favorite at strong contender si Ahtisa sa bagong international pageant na ito.

Ipinost ng Miss Cosmo Organization ang pagkaka-appoint kay Franki bilang Miss Cosmo New Zealand 2024.

Kalakip ng post ay maiksing profile ni Franki.

Ni-repost naman ni Franki ang announcement sa kanyang social media accounts.

Caption sa post: “Franki Russell is a professional film and television actress who has starred in several movies and TV series in Asia and the Philippines.

“She is a brand ambassador, social media influencer, model, and cyberbullying advocate.

“Last May, she walked the red carpet at the Cannes Film Festival, the most prestigious film industry event in the world.

“Congratulations to Miss Cosmo New Zealand 2024 Franki Russell.”

Sunud-sunod din ang pag-repost ni Franki ng IG posts ng mga fans at pageant vlogs ukol sa kanyang pagkakatalaga.

FRANKI RUSSELL TO COMPETE AGAINST AHTISA IN MISS COSMO 2024

Magandang balita naman ang announcement na ito para sa supporters at pageant fans kasunod ng makailang ulit na pagkakapurnada ng pagsabak ni Franki sa pageantry.

Si Franki, isang Filipino-Wiki model-actress sa Pilipinas ay naging housemate din noon Pinoy Big Brother Otso (2018-2019). Kasunod nito ay pumasok siya sa Philippine showbiz.

Kamakailan ay na-dethrone si Franki bilang Miss Universe New Zealand 2024, kaya hindi na makakasali sa upcoming Miss Universe 2024 pageant.

Pagbubunyag niya, naging isyu sa Miss Universe New Zealand Organization ang kanyang sexy movies na ginawa sa Viva Entertainment.

Noong 2021, kabilang siya sa finalists ng Miss Universe UAE, subalit kinansela ang pageant edition na iyon isang linggo bago ang grand finals.

“Political reasons” ang naging dahilan kung bakit naunsyami ang pageant edition na iyon.

Samantala, gaganapin ang Miss Cosmo 2024 sa Ho Chi Minh City, Vietnam sa darating na October 2024.

Ilang netizens ang nagkomentong bagay kay Franki Russell ang parte ng quote ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na “never denied, only redirected.”