Francine Diaz Walks Out of Event, Unhappy with Band’s Performance

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang Kapamilya young actress na si Francine Diaz dahil sa pagwa-walk out nito sa isang LGU event sa Occidental Mindoro.
Ayon sa mga nakasaksi sa nasabing event ay hindi man lang nagtatagal ng sampung minuto ang performance ni Francine Diaz ay nagpaalam na ito sa kanyang mga tagahanga na matagal nang naghintay sa kanya.

Kaagad naman itong umani ng samu**strong**’**strong**t-saring reaksyon mula sa mga netizens lalo na sa mga hindi alam ang totoong dahilan kung bakit tila nag-walk out si Francine Diaz ilang minuto matapos ang pagtungtong niya sa stage.

May mga netizens na nagsasabing tila nag-eenarte na umano itong si Francine Diaz dahil sa ginawa nitong pagwa-walk out sa kabila ng paghihintay ng kanyang mga fans.

Pero, kaagad namang ipinagtanggol ang aktres ng kanyang mga tagahanga. Ayon sa kanila, walang umanong respeto ang organizer. Ilang oras din umanong naghihintay ang aktres bago makapagperform.

Kaya naman nararapat lamang umano na umalis si Francine Diaz dahil tila hindi naman siya napapahalagahan.

Bukod pa rito, tila binabastos rin ng gitarista ng banda si Francine Diaz dahil kahit nagpeperform ang aktres sa stage ay patuloy pa rin ang pagtugtog nito.

Kahit naasiwa na si Francine Diaz na halata naman sa kanyang mukha ay patuloy pa rin ang kanyang pagkanta, kahit na mas malakas ang tunog ng gitara kaysa sa kanyang boses.

Tila kinausap pa ni Francine Diaz ang mga ito subalit, tila inisulto lang nila ang dalaga at talagang nagbulungan pa sa harap nito. Maging ang mga kasamahan sa banda ay hindi man lamang sinaway ang gitarista na panggulo sa performance ng aktres.

Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang pamunuan ng event na dinaluhan ni Francine Diaz patungkol sa sinasabing pagiging disrespectful nila sa aktres.