Francine Diaz Mends Rift with Orange And Lemons, Seeks Forgiveness

Nagbigay na ng pahayag ang Kapamilya actress na si Francine Diaz at vocalist ng bandang Orange and Lemons na si Clem Castro patungkol sa kanilang isyu sa isang LGU event sa San Jose, Occidental Mindoro na naging mainit na ginagamit sa kanilang mga social media platforms. Sa isang panayam kina Francine Diaz at ng producer-organize ng event na ipinakilala ni Kylee Dioneda ang naging misunderstanding sa pagitan nila at sa bandang Orange and Lemons. Unang humingi ng paumanhin ang producer-organizer na si Kylee Dioneda sa nangyaring kalituhan sa nasabing event dahil sa miscommunication nila dahil sa dami ng nangyari sa kaganapang event. Ibinahagi rin nito na na-delay ng dalawang oras ang event kaya matagal na nakapag-perform ang aktres na nakatakdang magperform mula 9:00 pm hanggang 10:00 pm. Talagang nasa program na mauunang magperform ang Orange and Lemons subalit, nagrequest umano ang ina ng aktres na si Francine Diaz kung maaring paunahin na lamang ang aktres dahil isang kanta lang naman ang kakantahin nito. Pumayag naman sila at binigyan ng go signal ang aktres ngunit hindi nila naipaalam sa Orange and Lemons ang sitwasyon kaya naman na-insulto ang banda sa biglaang pagtawag at pag-akyat ni Francine Diaz sa stage. Sa kabilang banda ay isiniwalat naman ni Clem Castro ang naramdaman niyang kumalat at nagtrending sa social media ang video ng kanilang pag-walk out at pag-address sa singitan issue. Nais umano nilang makausap ang kampo ni Francine Diaz subalit nakaalis na ito papuntang Manila. Inamin din ni Clem Castro na na-frustrate siya at na-stress sa isyu lalo na’t hindi sila nakatanggap ng matinding pambabatikos mula sa mga fans ni Francine Diaz. Samantala, nagkaroon na ng dinner meeting sa pagitan ng kampo nina Francine Diaz, Orange and Lemons at ng mga organizers ng event para mapag-usapan ng malinaw ang nangyaring hindi pagkakaunawaan. Sa kabilang banda, nilinaw ni Francine Diaz na nagkaayos na sila ni Clem Castro. Humingi rin siya ng pasensya sa mga ito dahil sa hindi niya pag-acknowledge sa presensya ng mga ito sa stage tila nawala siya sa kanyang ‘right state of mind’. Isiniwalat din ni Francine Diaz ang posibilidad na magkakaroon sila ng collaborationg ng Orange and Lemons sa hinaharap. “He offered po, Sir Clem offered na parang meron akong gagawing songs in the future, pwede siyang magsulat for me. At kung meron akong sinusulat, pwede niyang mas ayusin pa yun. Ako rin po as my peace offering, ininvite ko po siya sa araw na isho-show yung first movie namin ni Seth,” pagsisiwalat ni Francine Diaz.