Ex-President Duterte, tatakbo muling mayor ng Davao City

Muling tatakbo bilang alkalde ng Davao City si dating Pangulong Rodrigo duterte, sa kabila na una niyang sinabi na mahina na siya at nais na niyang magpahinga mula sa pulitika.

Sinamahan siya ng kanyang maybahay na si Honeylet Avancena, ng anak na si Mayor Sebastian Duterte, ang vice mayor ng lungsod at mga kaibigan sa kanyang paghahain ng certificate of candidady kahapon.

Magiging running mate ni Duterte ang kanyang anak na si Sebastian, habang si Vice Mayor Melchor Quitain ay tatakbo na konsehal.

Ang apo naman niya na si Omar, na kasalukuyang kapitan ng Barangay Buhangin ay tatakbo bilang kinatawan ng second district.

Si Omar ay anak ni first district Rep. Paolo Duterte, na muling tatakbo sa nasabing posisyon.