Eunice Lagusad would love to play this role in AKNP

Ilang linggo na lang at magpapaalam na ang top-rating GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay Na Pangarap (AKNP) pagkatapos ng dalawang taon.

Eunice Lagusad
Eunice Lagusad

Photo/s: Rommel Gonzales

Nagsimula sa lock-in taping nung pandemic in 2022 ang naturang serye, hanggang sa maging normal na ulit ang lahat kaya na-extend ito dahil sa mga kaabang-abang na mga eksena nila Doc Analyn (Jillian Ward), Lynette (Carmina Villarroel), Doc RJ (Richard Yap) at Moira/Morgana (Pinky Amador).

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Abot-Kamay na Pangarap cast and crew finale presscon
The Abot-Kamay Na Pangarap cast and crew

Photo/s: Arniel Serato

Kabilang sa naging emotional sa nalalapit na pagtatapos ng serye ang former Kapuso child star na si Eunice “Charming” Lagusad na gumaganap bilang si Nurse Karen at isa sa malapit na kaibigang ni Doc Analyn sa APEX Medical Center.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Eunice via Facebook Messenger noong October 9, nagkuwento ito ng maraming happy moments working with the cast of AKNP at ang katotohanang malapit na itong magtapos.

“Malungkot po ang feeling namin dahil for the past two years naging routine, family at work ko na po ang Abot-Kamay family.

“Kaya to think na yung nakasanayan mo na ginagawa mo araw-araw e, dadating na sa end. Though alam naman po natin na matatapos talaga ang kada show.

“Nakakalungkot po at panigurado maninibago po ako, lalo kapag natapos na po kami mag-taping at mag-air,” pahayag ni Eunice.

EUNICE PLEASANTLY SURPRISED WITH AKNP’S EXTENDED RUN

Ayon kay Eunice, hindi raw nila inaasahan na aabot ng dalawang taon ang serye. Dahil pandemic time noong magsimula sila mag-taping, tatlong buwan lang daw talaga ang itatakbo ng naturang serye.

“Hindi ko po talaga akalain na aabot kami ng two years dahil ang regular run naman po talaga ng isang show ay three months, at ang sabi po talaga nung una ay September to December 2022 lang talaga po ang AKNP.

“Hanggang sa na-extend po nang na-extend dahil na rin sa sobrang pagmamahal at magandang feedback ng audience sa show namin at siyempre, pati na rin sa hard work ng buong AKNP fam at samahan, kaya po siguro kami tumagal.”

EUNICE THANKS AKNP FOR FINANCIAL BLESSINGS

At sa dalawang taon na iyon, naging malaking tulong ang serye financially para kay Eunice at sa buong cast.

“Sakto lang po hanggang sa next show ang naipon natin.

“Sa two years po, may mga bayarin pa rin naman po akong sine-settle na naiwan pa po nung nawala si mother and siyempre, continuous bills at may mga times po na wala po ako sa week script ng AKNP, kaya po sakto lang po talaga.

“Pero hindi po ako magsinungaling na sobrang nakatulong po na may work for the past two years po.

“Sobrang laking tulong po talaga ng AKNP sa bawat isa sa amin, sa totoo lang po, kaya super thankful din po kami sa management at audience na sobrang tumagal ang show.”

EUNICE REVEALS UNFORGETTABLE MOMENTS DURDING AKNP TAPINGS

Marami raw na unforgettable moments sa taping nila parati, lalo raw kapag may mga malalaki at mabibigat na eksena. At hind rin daw nawawala ang kuwentuhan nila at gumagawa ng TikTok videos during breaktime.

Kuwento ni Eunice: “Sobrang dami po. Lalo na yung mga eksena na hindi po namin akalain na ganun pala yung magiging outcome at mga nadadala ka na lang talaga po sa mga kaeksena, at dun sa mga times po na nagagawa po namin yung freedom in terms of acting dahil na rin po kay Direk LA [Madridejos].

“Nalalabas po namin yung ibang side po ng characters namin aside sa comedy, pati po drama dahil nakaka-miss din po umiyak minsan on screen.

“At sa taping naman po, we’re always happy. Walang araw yata na di kami nagkukwentuhan, nagchichikahan. Hindi nawala ang naging bonding namin, ang pagti-TikTok at food trip.

“So lahat po talaga sobrang magkakasundo. Kumbaga sabi nga po namin, nag-blend talaga po lahat ng cast, pati production staff, kaya yun din siguro yung isang secret weapon nung show kaya tumagal. Yung bonding talaga po on- and off-cam.”

Bukod kay Jillian at ang mga kapwa marites ni Eunice sa APEX, sino pa ang mami-miss niya kapag nag-last taping day na kayo?

“Naku, halos lahat po. Wala po akong kasama sa show na hindi ko po mami-miss dahil pati po staff and crew ay lahat po magkakasundo. Kumbaga naging pamilya po talaga kami sa loob ng dalawang taon.

“Kaya po may mga pa-souvenir po kaming napag-usapan ng Team Marites para na rin po pa-thank you and alaala sa pinagsamahan po sa lahat sa loob ng dalawang taon po.”

EUNICE WOULD LOVE TO PLAY THIS ROLE

Pero kung bibigyan ng pagkakataon si Eunice, sino sa cast ng AKNP ang gusto niyang gampanan?

“Naku, sino pa ba kundi si Moira po!

Pinky Amador
Pinky Amador

Photo/s: Jerry Olea

“Bukod sa hate siya ng lahat, ang sarap po kasi paglaruan ng character ni Moira, and to be honest, medyo nage-gets ko po yung character niya.

“Kasi kailangan ni Moira lang po ng pagmamahal. Nag-start lang naman yung pagiging masama niya ng dahil sa pagmamahal kay Doc RJ.

“Pagmamahal sa anak niyang Zoey. Kaya lahat ng kasamaan ginawa niya — she did all that because of love.

“And siyempre, super-galing po ng nag-iisang Pinky Amador. Siya lang po ang makakapagsabuhay kay Moira. Period!”

EUNICE’S WELL-DESERVED REWARD TO HERSELF AFTER AKNP STINT

After AKNP, ano ang reward ni Eunice para sa sarili after two years ng pagtrabaho sa serye?

Aniya, “Wala pa po kasing next show, hopefully meron na rin po kaagad. Balak ko pong magbakasyon, pero dito lang po sa Pilipinas. Para lang po makahinga po.

“Iyon po ang reward ko sa sarili after two years worth of work.”

EUNICE ADMITS BEING CLUELESS ABOUT AKNP ENDING

Tinanong namin si Eunice kung makakapag-share ito ng konting chika sa magiging pasabog na ending ng Abot-Kamay Na Pangarap?

“Naku, lahat po kami, ‘di po namin alam ano ang magiging ending namin.

“Pero dapat nilang abangan kung ano ba talaga magiging ending ng inabangan at sinuportahan nila na Abot-Kamay Na Pangarap hanggang sa huli.”