Ethan David clarifies “false narratives” in viral BINI video

May bagong statement na inilabas ang GAT member na si Ethan David kaugnay sa nag-viral nilang video nina BINI Jhoanna, BINI Colet, at BINI Stacey, at ng professional dancer na si Shawn Castro.

Noong May 7, 2025, mainit na pinag-usapan sa social media ang lima matapos mag-trending sa X (dating Twitter) ang video nilang magkakasama na pinagmulan ng akusasyong ginawa nilang katatawanan ang maselang isyu ng grooming at sexual abuse.

Sa nasabing video, makikita si Shawn na pumuwesto sa likuran ni Ethan. Umakting na sinasabunutan ito habang yumuyugyog ang gitnang bahagi ng kanyang katawan.

Ang tingin ng maraming nakapanood ng video, umaaktong nagtatalik sina Shawn at Ethan.

Habang ginagawa ito ng dalawa, makikita naman si Jhoanna, na nakaupo sa sofa, na humahagikhik ng tawa.

Maririnig din sa background ang boses ng pinaniniwalaang si Stacey, na ang sabi habang tumatawa rin: “Ganyan ginagawa niya kay Ashtine… sinasabunutan.”

Hirit naman ng isa pang babae na hindi rin kita sa video ngunit, ayon sa netizens, ay kaboses ni Colet: “Oo, thirteen years old”

Hindi malinaw kung sino ang tinutukoy na “Ashtine” sa video.

Dahil sa aksyon ng apat, katakut-takot na batikos ang kanilang natanggap online.

Maraming netizens ang hindi pumabor na ginawa raw nilang katatawanan ang sensitibong usapin ng grooming at sexual abuse, lalo na’t menor de edad daw ang Ashtine na kanilang binanggit.

Agad namang naglabas ng pahayang ang BINI, sina Ethan at Shawn noong May 8 para humingi ng paumanhin sa publiko at akuin ang mali nilang nagawa at nasabi.

BINI, Ethan David, Shawn Castro apologize over viral video
(L-R) Shawn Castro, BINI Jhoanna, GAT’s Ethan David, BINI Stacey, and BINI Colet hold themselves accountable for their offensive viral video.

Photo/s: Screengrab Ethan David on TikTok

Iisa ang nais nilang sabihin: ang nilalaman daw ng video ay isang private moment sa pagitan nilang magkakaibigan.

Wala rin daw silang intensiyong saktan ang sinuman at pinagsisisihan daw nila ang kanilang maling aksyon.

ETHAN DAVID RELEASES STATEMENT ANEW

Makalipas ang halos isang linggo, muling naglabas ng pahayag si Ethan sa Instagram para klaruhin ang aniya’y “false narratives” na ginawa ng iba patungkol sa konteksto ng kanilang viral video.

Ayon kay Ethan, ayaw na sana niyang magsalita ngunit hindi raw siya tinatantanan ng mga bumabatikos sa kanya online.

Ang masama pa raw rito, naaapektuhan na ang kanyang mental health dahil sa mga nababasa niyang komento na wala naman daw katotohanan.

Bukod sa kanya, nadadamay na rin daw ang kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Mababasa sa kanyang post (published as is): “I would like to take this opportunity to address and clarify the speculations that have recently surfaced online.

“Over the past few days, I have been receiving a significant amount of hate across social media platforms, which has taken a toll on my mental health.

“It is painful to see false narratives being spread especially ones that affect not only me but also the people close to me.”

Sa nasabing pahayag, pinabulaanan din ni Ethan ang haka-haka ng netizens na nakipagrelasyon siya noon sa isang menor-de-edad.

Isa raw siya sa mga hindi pumapabor sa grooming o isang mapanlinlang at manipulasyong proseso kung saan ang isang tao—karaniwan ay mas matanda—ay unti-unting kinukuha ang tiwala ng isang bata para sa layuning sekswal, emosyonal, o mapagsamantala.

Saad ni Ethan: “Let me be clear.. I have NEVER been involved in any inappropriate relationship with a minor, and I will never tolerate nor condone such behavior. I have always been firmly against it.

“The accusations being made are not only baseless but extremely damaging.

“It deeply pains me to share private information, but I feel it is necessary to address to further shed light on the subject.”

Dito rin niya inamin na siya ang 13-year-old na tinutukoy nina BINI Stacey at BINI Colet sa kontrobersiyal nilang video.

Pagbabahagi ni Ethan, labintatlong taong gulang siya nang magkaroon ng “puppy love” sa Canada, kunsaan siya noon nakatira.

Hindi na idinetalye pa ng GAT member kung sino ang nakarelasyon niya sa murang edad bilang respeto na rin daw sa kanilang alaala at pinagsamahan.

Sabi niya (published as is): “To clarify the confusion surrounding the video, the joking comments heard in the video led to a misunderstanding that I was grooming a 13 yr old.

“In reality, I Was the 13 yr old being referred to.

“The situation being discussed dates back to a time when I was a young teenager experiencing innocent puppy love during my time in Canada.

“Out of respect for the privacy of the other individual involved, I will not name anyone.

“However, I want to emphasize that it was nothing more than a harmless, age-appropriate childhood experience.”

Sa huli, paghingi ng tawad ang nais ipaabot ni Ethan sa lahat ng naapektuhan sa kanilang maling aksyon.

Kalakip nito ang pangako niyang hindi na ito mauulit pa.

Mensahe niya: “Muli, humihingi po ako ng tawad sa lahat ng tao na naapektuhan sa sitwasyon. Lalo na po sa mga kaibigan at pamilya ko.

“Naintindihan ko po nagkamali ako and I will carry this experience moving forward with greater awareness and respect.

“Thank you to those who continue to support and understand me. I hope this clears up any misunderstanding.”

Source: Ethan David clarifies “false narratives” in viral BINI video