EJ Obiena slams “misleading stories” about rift with Carlos Yulo

Nagsalita na ang world-class pole vaulter na si EJ Obiena hinggil sa mga malisyosong kuwento tungkol sa kanila ni two-time Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo.

Magmula nang maisapubliko ang gusot ni Carlos sa kanyang pamilya ay hindi na siya tinantanan ng netizens na ikumpara sa anila’y masaya at puno ng respetong relasyon ni EJ sa kanyang pamilya, partikular na sa kanyang ina na si Jeanette Obiena.

Mas lalo pang umalab ang pagkukumpara sa dalawa nang maging endorser kamakailan si Carlos ng chocolate drink na Barley, habang si EJ naman ay nananatiling endorser ng energy drink na Milo.

EJ ON FRIENDSHIP WITH CARLOS

Dahil sa kaliwa’t kanang pagkukumpara sa dalawa, minarapat ni EJ na magsalita na para linawin ang mga kumakalat na tsismis sa kanila ni Carlos.

Sa Instagram nitong Miyerkules, October 9, 2024, nag-post si EJ ng larawan nila ni Carlos, kalakip ang paliwanag niya kung bakit ninais na niyang magsalita.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

EJ Obiena slams
Carlos Yulo (left) and EJ Obiena (right)

Photo/s: EJ Obiena on Instagram

Paliwanag ni EJ, matalik na magkaibigan sila ni Carlos kung kaya’t hindi niya matanggap na may mga mapanirang online sites ang gumagawa ng hindi makatotohanang istorya tungkol sa kanila.

Ang masaklap pa raw rito, may ilang netizens ang naniniwala sa mga click bait at fabricated story na nakikita nila sa social media.

Saad ni EJ (published as is): “I have hoped and tried to stay silent and not fuel anymore of the misleading stories. It’s a sad state of affairs when stories are fabricated to get clicks and likes and shares.

“Journalism is a noble profession driven by FACTS. It’s a shame it is sometimes abused.

“So, this is the ONLY statement I am going to make on the issues.”

Inisa-isa rin ni EJ ang limang punto na pawang katotohanan lamang sa relasyon ng pagkakaibigan nila ni Carlos.

Kabilang na rito ang hindi raw niya kailanman pagbibigay ng komento sa kinahaharap na problema ni Carlos sa kanyang pamilya

Saad niya: “There are the facts. So everyone knows.

1. I am friends with Caloy and have been for many years. And for decades to come.

2. I don’t compete with my friend Caloy and I deeply respect him. He is a great champion for our country and I applaud him. I am proud of him. I am thankful for the glory he has brought our country.

3. I don’t comment on my private life and I certainly don’t want outsiders commenting on it. That’s why it’s called “Private life”. It’s personal. It’s nobody else’s business. Because I embrace these values, I never comment on someone else’s personal life. I HAVE NEVER MADE A SINGLE COMMENT regarding Caloy’s private life and I never shall. Any assertion otherwise is outright libel. I know when to keep my mouth shut; and when it comes to anyone’s private life this is one of those times.

4. If you ever want to know what I say, come here or my other social media and you’ll see it. If some click bait site is making up stories to suck you into the drama, recognise it for what it is. It’s abuse. It’s not journalism.

5.That’s it. Thank you and I shall have no further comment on the matter. I am focused on getting ready for the upcoming season.”

Sa huli, pakiusap ni EJ sa publiko na tigilan na ang pagpapakalat ng maling impormasyon para lamang kumita ng pera at humakot ng views.

Sabi ng Pinoy pole vaulter, “Let’s focus on cheering our athletes on, instead of creating false drama to sell advertising space.”

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na sagot o reaksiyon si Carlos tungkol sa naging post ni EJ.