Dominic Roque speaks up on breakup with Bea Alonzo and why Bea’s mom dislikes him!

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa kanilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang naging pahayag ng umano ni Dominic Roque matapos maiulat ang paghihiwalay nila ni Bea Alonzo sa ikalawang pagkakataon matapos ang tila pagbabalikan nila ilang linggo matapos kumpirmahin ang kanilang paghihiwalay.

Ayon pa sa mga usap-usapan, tila tinugunan na umano ni Dominic Roque ang isyu sa pagitan nila ng ina ng aktres na noon pa man ay umayaw na sa kanya bilang mapapangasawa ni Bea Alonzo.

Matatandaan na may mga naglabasang ulat na umano’y umayaw si Mommy Mary Anne, ina ni Bea Alonzo kay Dominic Roque dahil mahirap malaman ang actor-model kung ikukumpara sa kayamanan ng kanyang anak kaya naman inutusan nitong aktres na maghanap ng bagong jowa at tuluyang iwanan si Dominic Roque.

Labis umano na nasasaktan ngayon si Dominic Roque sa kinahantungan ng relasyon nila ng aktres na si Bea Alonzo matapos ang mahaba nilang relasyon, dahil lamang sa antas ng kanyang pamumuhay at sa panghuhusga sa kanyang pagkatao.

Unang lumabas ang isyung ito sa naging showbiz update ni Manay Cristy Fermin kung saan inilahad nito ang pagkakaroon ng tuluyang paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Ayon kay Cristy Fermin, ang ina ni Bea Alonzo ang totoong dahilan ng paghihiwalay ng dalawa dahil noon pa man ay hindi na ito boto kay Dominic Roque lalo na noong malaman nito ang net worth ng actor-model.

Natakot lang din umano si Mommy Mary Anne na masira lamang ni Dominic Roque ang pangalan ng kanyang anak dahil sa pagkalat ng mga hindi magandang negosyo ni Dominic Roque.

Samantala, ayon sa aming mga nakalap na impormasyon, labis na umano na nasasaktan ngayon si Dominic Roque dahil sa panghuhusga sa kanya ng wala namang basehan. Hindi rin umano pera ang habol niya sa aktres dahil totoong mahal niya ito na makikita naman sa kanyang mga kilo.

Iginiit din ni Dominic Roque na wala siyang ginagawang masama at legal ang lahat ng kanyang mga negosyo at alam ni Bea Alonzo ang lahat ng ito.

Pawang paninira lamang umano sa kanyang karakter ang mga naglabasang mga bali-balita. Bagama’t aminado siyang mas mayaman si Bea Alonzo kaysa sa kanya ay hindi naman umano ito sapat para mag-iisipan siya ng masama lalo na sa ina ng aktres.