Dominic Roque Marites delulu | PEP.ph

Sinagot ni Dominic Roque ang komento ng isang netizen sa kanyang Instagram post nitong nakaraang September 11, 2024.

Mukhang kuha pa ang mga larawan noong Hulyo at sa selebrasyon ng kanyang ika-38th birthday dahil aniya noong Hulyo pa ang mga ito.

May isa pang larawan nila ni Kathryn Bernardo na dumalo sa kanyang birthday celebration.

Kathryn Bernardo at Dominic Roque's birthday celeb

Sabi ni Dom sa caption, “Snaps from mah phone… #Hulyo

Ayon sa nagkomentong netizen, parang hindi na madalas nagpu-post si Dominic ng random pictures or dump pictures na malaya naman niyang nagagawa noon.

Saad ng netizen, “Gone are the days when Dom could freely and randomly post ng solo pictures ni Kath sa feed nya without these crazy people thinking any other things about it.”

Dagdag pa ng netizen sa comment, “Di nyo ba alam na miss na namin mga pa pictorial ni dom kay kath tapos pino-post nya any time. Sya ang number one source namin ng pics ni kath na outside work kahit noon pa. Mga baliw talaga mga tao ngayon”

Dominic Roque answers netizen

Mabilis siyang sinagot ng aktor.

Sabi sa kanya ni Dominic: “kasi iniisipan nila ng kung ano ano.. mga delulu. Mga toxic sa soc med. [laughing emoji]”

Dominic Roque answers netizen

DOMINIC ROQUE AS KATHRYN BERNARDO “BRO”

Mukhang pagod na si Dominic kakatanggi na magkaibigan lamang sila ni Kathryn.

Matagal nang magkaibigan ang dalawa.

Noong June 26, 2024 lamang, lumikha ng ingay ang post ni Dominic na kasama si Kathryn sa gym.

May mga netizen na nagsabing bagay ang dalawa, habang ang iba naman ay naniniwalang magkaibigan lamang ang mga ito.

Sa parte ni Dominic, nilinaw niyang “bros” lang ang turingan nila ni Kathryn.

Pero agaw-pansin din ang pag-like ni Dominic sa mga nanunukso sa kanila ni Kathryn.

Sa hiwalay na ulat na “What PEP Knows” dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 6, 2024, isang source ang nagsabing mas naging malapit sina Kathryn at Dominic mula nang magkita at magkausap sila noong January 2024.

Sinasabing posibleng si Dominic lang ang nagbigay ng impormasyong may kinalaman sa dating nobyo ni Kathryn na si Daniel Padilla.

May mga nag-iisip namang may balak si Dominic kay Kathryn na higit pa sa pagiging magkaibigan.