Dominic Roque, hindi totoo na illegal ang negosyo? Si Bullet Jalosjos, ang sugar daddy ni Dominic?


Ogie Diaz Nagdepensa kay Dominic Roque Laban sa mga Pambabatikos

Dinipensahan ng kilalang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz ang actor-model na si Dominic Roque laban sa mga nagsasabing may illegal itong negosyo at mayroong sugar daddy na sumusuporta sa mga luho nito.

Nilinaw din ni Ogie Diaz na hindi naman talaga kay Dominic Roque ang sinasabing mamahaling condo unit dahil inuupahan lamang ito ng binata. Hindi rin naniniwala rin si Ogie Diaz na walang sugar daddy si Dominic Roque.

Sa katatapos na YouTube vlog ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz tila ipinagtanggol niya si Dominic Roque laban sa mga pambabatikos na natanggap nito matapos ang hiwalayan nila ni Bea Alonzo.

Hanggang ngayon ay patuloy na iniuugnay si Dominic Roque sa kanilang mga kontrobersyal na pulitiko, may mga nagsasabi pang mga bading ito na siyang sumusuporta kay Dominic Roque sa lahat ng negosyo nito at maging sa condo unit na tinitirhan.

Ayon kay Ogie Diaz, walang katotohanan ang mga bali-balita at ang mga sinasabi ng ibang mga kolumnista patungkol sa pagkakaroon ng sugar daddy ni Dominic Roque at ang mga negosyo umano nito na mula sa hindi mga kaaya-ayang gawain.

Pagbabahagi ni Ogie Diaz, walang katotohanan ang balitang nakapangalan kay Dominic Roque ang mamahaling condo na ibinigay sa kanya ng isang lalaking pulitiko. Ang katotohanan umano nito ay inuupahan lamang ni Dominic Roque ang nasabing condo unit.

Isiniwalat pa ni Ogie Diaz na noong lumaganap ang pandemic, madalas niyang nakaka-video call si Dominic Roque. Sa katunayan ay ipinapakita pa umano sa kanya ng aktor ang interior design ng condo unit.

Iginiit din ni Ogie Diaz na nakuha ni Dominic Roque ang nasabing unit noong kasagsagan ng pandemic na bumaba ang presyo nito.

Ayon pa kay Ogie Diaz na minsan ay doon na ginagawa ni Dominic Roque ang kanyang trabaho at minsan ay nagiging office na rin ng actor-model.

Sinaway rin niya ang mga netizens at ilang personalidad na nagpapakalat ng mga maling impormasyon patungkol kay Dominic Roque dahil labis na umanong tinatapakan ng mga ito ang pagkatao ng aktor.

Iginiit din ni Ogie Diaz na hindi aktibo sa showbiz si Dominic Roque dahil wala itong mga pelikula at teleserye, mayroon naman itong maraming endorsement na mula sa mga malalaking brand.

Kagaya na lamang ng Kopiko Blanca, Lemon Dew, Coca-Cola at iba pa, maari rin umanong may mga share si Dominic Roque sa kanilang mga brand na kanyang iniindorso.

Malaki rin umano ang kinikita ni Dominic Roque mula sa kanyang mga endorsements kaya masasabing may pera rin naman ang aktor hindi lamang kasing yaman ni Bea Alonzo.

Samantala, isa sa mga iniuugnay kay Dominic Roque ay si Mayor Bullet Jalosjos subalit wala itong katotohanan dahil magkasosyo lamang silang dalawa at dahil kilala si Dominic Roque na siya rin ang nag-eendorso sa kanilang proyekto.

Iginiit din ni Ogie Diaz na hindi illegal ang mga negosyo ni Dominic Roque na pinaghihinalaan ng kanilang mga netizens at mga kolumnista.