Doc Willie Ong admits being hurt from bashing he received last 2022 election campaign
Inamin ni Dr. Willie Ong na nasaktan siya sa bashing na kanyang natanggap mula sa mga netizens noong 2022 vice presidential campaign.
Sa kanyang latest YouTube Video, sinabi ni Ong na sa tingin niya ay nakuha niya ang sakit na cancer mula sa mga “negative thoughts” at “negative emotions.”
‘I THINK I GOT ALL THIS PAIN […] FROM ALL THE BASHING I GOT FROM THE 2022 VICE PRESIDENTIAL CAMPAIGN’
Ito ang inihayag ni Doc. Willie Ong sa kanyang latest YouTube video. pic.twitter.com/JK1ebNzLvF
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) September 17, 2024
“I think I got all this pain from negative thoughts, negative emotion. From all the hurt, from all the bashing I got from the 2022 Vice Presidential campaign,” saad nito sa kanyang video.
“I got so many bashing. I just ran for Vice President. What did I do wrong? I did not do anything wrong. I loved every one of you. I’m doing this for the Philippines,” dagdag pa nito.
“[…] My relatives do not want me to make this video. But I said, I owe it to the Filipino people to be honest to them. […] Bawat takbo ko, para po sa inyo. Hindi para sa akin,” dagdag pa niya.
‘WHAT STRESSES, ANGERS AND HURTS ME THE MOST IS THAT I KNOW MILLIONS OF FILIPINOS CAN NEVER AVAIL OF SUCH TREATMENT’
Ito ang inihayag ni Doc Willie Ong sa isang Facebook post matapos niyang ibahagi ang kanyang cancer journey. pic.twitter.com/dsnixvOvwa
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) September 16, 2024
Kasabay nito, ibinahagi din ni Dr. Ong ang kanyang experience nang tumakbo siya bilang vice president noong taong 2022.
“Unang campaign ko, wala akong gastos. Pangalawa, wala akong gastos,” kwento niya.
“Wala ’kong niloko, wala ’kong inaway. Anong ginawa niyo? Binash niyo lang ako nang binash. Sumama sobra [ang] loob ko,” pagpapatuloy pa nito.
“Sa akin lang ha, if you pray for me, I think I will get well. If you keep on bashing me, I think I will die,” dagdag pa niya.
Matatandaan na kamakailan lamang ay ibinahagi ni Dr. Ong na na-diagnose siya ng sakit na abdominal cancer.