DILG Sec. Benhur Abalos confirms Apollo Quiboloy’s arrest
Nahuli na ang fugitive pastor at Kingdom of Jesus Christ leader na si Apollo Quiboloy, ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos.
Sa isang Facebook post nitong September 8, 2024, Linggo ng gabi, ibinahagi ni Abalos ang larawan ng lider ng Kingdom of Jesus Christ, kasama ang dalawang di kinilalang lalaki.
Caption ng Interior secretary, “Nahuli na si Pastor Quiboloy!”
Sa hiwalay na post ni Abalos: “NAHULI NA PO SI APOLLO QUIBOLOY.”
Ayon sa ulat ng GMA News, sinabi ni Abalos na nahuli si Quiboloy bandang ng alas-sais ng gabi sa loob ng KOJC compound sa Davao City, kung saan hinahanap siya ng mga pulis mula pa noong Agosto 24, 2024.
QUIBOLOY’S CASES
Si Quiboloy ay nahaharap sa mga kasong child and sexual abuse at human trafficking, na parehong may nakaambang warrants of arrest at non-bailable.
Wanted din si Quiboloy ng U.S. Federal Bureau of Investigation (FBI) dahil sa sex trafficking at labor trafficking.
Noong April 2024, nag-isyu ng warrant of arrest ang isang korte sa Davao laban kay Pastor Apollo Quiboloy at limang iba pa.
Sinilbihan ng mga awtoridad ang warrant sa KOJC compound sa Davao City ngunit hindi dito natagpuan si Quiboloy.
Sa isang pahayag, sinabi ni Quiboloy na haharapin niya ang kaso basta’t may kasulatan mula sa administrasyong Marcos na hindi makikialam ang U.S. sa kanyang legal battles.
Muling sinilbihan ng mga awtoridad ng mga warrant si Quiboloy noong June 2024, sa iba’t ibang lugar ngunit hindi siya natagpuan.
Noong Hulyo 2024, may mga pribadong indibidwal na nag-alok ng PHP10 milyon para sa impormasyon sa ikadarakip ni Quiboloy.
Hinamon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Quiboloy na humarap at ipagtanggol ang sarili. Sinabi ni Abalos na naniniwala siyang nasa Pilipinas pa si Quiboloy.
Nitong nakaraang August 2024, nag-isyu ang Court of Appeals ng freeze order laban sa mga bank account at ari-arian ni Quiboloy.
Muling sinubukan ng PNP na silbihan ng warrant Quiboloy ngunit hindi siya natagpuan. Nagprotesta ang KOJC sa mga excavation na isinagawa ng mga awtoridad.
Ngayong buwan ng Setyembre 2024, idineklarang null and void ng Court of Appeals sa Cagayan de Oro ang temporary protection order na ibinigay sa KOJC.
READ MORE: