Did Anthony Jennings and his girlfriend break up?

Hiwalay na ba si Anthony Jennings sa non-showbiz girlfriend na si Jam Villanueva?

Ito ang katanungan ng netizens matapos mag-viral ang TikTok posts ni Jam ng quotes na may kinalaman sa isyu ng betrayal, selos, at gaslighting.

Nakunan ng screenshot ang matalinhagang TikTok stories ni Jam, at tingin ng netizens ay may kinalaman ito kay Anthony.

September 11, 2024 nang i-repost ni Jam ang video na may quote na “how digusting i feel knowing however far i could be there is always a feeling that you’re not being loyal to me.”

September 15 nang i-repost ni Jam ang video na may quote na “I never wanted to argue, I just wanted to understand how much it hurt me.”

September 18 nang i-repost naman ni Jam ang video na may quote tungkol sa taong labis na pinasakitan, pero pinipiling pairalin ang kanyang puso.

IS JAM ALLUDING TO ANTHONY JENNINGS?

Sa Twitter ni Jam, may mga nire-repost din siyang hugot quotes.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Noong September 22, ni-retweet ni Jam ang mensaheng “time always reveals true colors.”

Kinabukasan, September 23, ni-retweet ni Jam ang mensaheng “i be like ‘can it get any worse?’ and then it literally does bro.”

Cryptic posts of Anthony Jennings girlfriend Jam Villanueva

Pero bago pa ang mga ito ay nagre-repost na rin si Jam ng iba pang hugot quotes—dahilan para maghinala ang netizens na may pinagdadaanan itong problema.

Noong August 23, ni-repost ni Jam ang TikTok video na may quote na “Girl that spark will come back, I promise. You’ve got this.”

Noong July 29, ni-repost ni Jam ang TikTok video na may quote na “‘Girl instinct’ is always finding out everything.”

Cryptic posts of Anthony Jennings' girlfriend Jam Villanueva

Noong July 28, ni-repost ni Jam ang TikTok video na may quote na “Me looking at the person i never thought would hurt me so much.”

Cryptic posts of Anthony Jennings' girlfriend Jam Villanueva

At noong July 8, ni-repost niya ang TikTok video na may quote tungkol sa isang babaeng pinipilit maging malakas, pero patagong nalulunod sa luha pagsapit ng 3 A.M.

Cryptic posts of Anthony Jennings' girlfriend Jam Villanueva

SELOS ISSUE INVOLVING MARIS RACAL?

Hindi maiwasang madawit sa isyu ang ka-love team ni Anthony na si Maris Racal.

Hinala ng netizens, selos ang pinag-ugatan ng cryptic posts ni Jam.

Lalo na raw at ni-repost ni Jam ang TikTok video na may mensaheng “i will never forget your conversation with the girl you told me not to worry about.”

Cryptic posts of Anthony Jennings' girlfriend Jam Villanueva

Hindi malinaw kung kailan ito ni-repost ni Jam dahil walang time stamp sa reposted TikTok video post niya na nakunan ng screenshot ng netizens.

Napagtagni-tagni ng netizens na waring may kinalaman ang cryptic posts ni Jam sa pagiging malapit nina Anthony at Maris.

Wala pang dalawang linggo ang nakararaan nang lumipad patungong Italy sina Anthony at Maris para sa taping ng upcoming Kapamilya action-drama series na Incognito.

Nag-post si Maris sa TikTok ng litrato ni Anthony na kuha sa loob ng eroplano, habang may hawak na mini-birthday cake ang binata.

Simpleng caption ni Maris, “it was my birthday, i was stuck on a plane, and i was feeling the blues haha. ty.”

Anthony Jennings gives Maris Racal a mini birthday cake

Tila nabigyan din ng kahulugan ang napansin ng netizens na pagkakapareho ng suot na white rubber shoes nina Maris at Anthony.

NETIZENS’ MIXED REACTIONS

Hati ang reaksiyon ng netizens sa isyu.

May mga napapatanong kung nagkahulugan na ba ng loob sina Anthony at Maris.

Ang iba namang fans ni Maris ay kinukuwestiyon ang pagpu-post ni Jam ng cryptic posts dahil nadadamay raw ang aktres.

Sa kasalukuyan, walang direktang pahayag sina Jam, Anthony, at Maris tungkol sa usap-usapan ng netizens.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag sina Jam at Anthony sa isyu, pero wala pang sagot ang mga ito habang isinusulat ang artikulong ito.

Limang taon nang magkasintahan sina Anthony at Jam.

Si Maris ay single at walang kasintahan sa ngayon.

July 12 nang isapubliko ni Maris na hiwalay na sila ng boyfriend na si Rico Blanco matapos ang limang taon nilang relasyon.