Derek Ramsay, muling pinasilip ang ilang pictures nila kasama ang kanyang mag-ina

– Muling nagbahagi si Derek Ramsay ng mga pictures kung saan makikita ang konting pasilip sa mukha ng anak nila ni Ellen Adarna

– Wala pang inilalabas na pormal na pahayag ang mag-asawa ngunit binahagi nila ang balita sa publiko sa pamamagitan ng binahaging mga litrato

– Makikita sa mga pictures na binahagi ni Derek ang kanyang pagkarga sa anak

– Bumuhos ang pagbati para sa mag-asawa na sa mga naunang panayam ay sinabing gusto nilang magkaanak ngayong taon

Muling nagbahagi si Derek Ramsay ng mga larawan sa kanyang social media kung saan makikita ang konting pasilip sa mukha ng kanilang anak ni Ellen Adarna. Sa mga larawang ito, puno ng saya si Derek habang karga ang kanilang anak, na tila ipinapakita ang kanyang kasiyahan bilang isang ama.

Derek Ramsay, muling pinasilip ang ilang pictures nila kasama ang kanyang mag-ina
Derek Ramsay, muling pinasilip ang ilang pictures nila kasama ang kanyang mag-ina
Source: Instagram

Ang mga larawan ay nagbigay ng kasiyahan sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta.

Read also

Lalaking namatayan ng 6 na kaanak, humiling ng tulong

Hanggang sa ngayon, wala pang inilalabas na pormal na pahayag ang mag-asawa tungkol sa kanilang anak, ngunit sa pamamagitan ng mga litrato, ibinahagi nila ang magandang balita sa publiko.

Ipinapakita ng kanilang mga larawan ang masayang pamilya na labis na kinagiliwan ng mga netizen.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!

Bumuhos ang mga pagbati at congratulatory messages mula sa mga tagahanga at kaibigan para sa mag-asawa, na sa mga naunang panayam ay sinabing gusto nilang magkaanak ngayong taon.

Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa Timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga ‘Star Magic’ artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba’t-ibang magazines.

Read also

Tito Mars, emosyonal na binalikan ang sitwasyon nila pag umuulan nang malakas noon

Sa kanyang IG stories ay matatandaang sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. “Kebs” daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.

Samantala, binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang “Papa D.”

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!