Delegado ng DEPED Region 2 para sa Palarong Pambansa nasa Cebu City na

CAUAYAN CITY – Nakarating na sa Cebu City ang delegasyon ng Region 2 para sa Palarong Pambansa 2024.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Manolo Bagunu, Division Sports Officer ng Schools Division Office o SDO Isabela, sinabi niya na mahaba-habang oras ang kanilang biniyahe dahil sa mabagal na daloy ng trapiko.

Naging maayos naman ang kanilang byahe at maganda rin ang kanilang billeting quarters kaya inaasahan niyang mataas ang moral ng kanilang mga manlalaro.

Ang Palarong Pambansa ay magsisimula sa ikaanim hanggang labimpito ng Hulyo, 2024 sa Cebu City Sports Complex.

Umaasa si Ginoong Bagunu na mahihigitan ng delegasyon ang nakuhang medalya ng rehiyon sa nakalipas na Palarong Pambansa

Base sa schedule, ang national sports event ay gaganapin sa first half ng Hulyo, kung saan ang opening ceremony ay sa ikasiyam ng Hulyo habang ang closing ceremony ay sa ikalabing anim ng Hulyo.

Ang competition proper ay gaganapin mula ikalabing isa hanggang ikalabing anim ng Hulyo.