Dating Kapamilya Aktres Tinawag Na Laos Nang Lumipat Sa GMA7 translates to Former Kapamilya Actress Called “Obsolete” After Transferring to GMA7.

Ang komedyanteng si Pokwang ay hindi pinalampas ang isang basher na nagsasabing nalaos na siya sa kanyang paglipat sa GMA network.

Kahit sa holy week, hindi umatras si Pokwang sa kanyang basher sa social media platform na Twitter noong March 27, 2024.

Nagalit si Pokwang nang ipaabot sa kanya ng kanyang fan na may mga basher na tumatawag sa kanyang ‘laos’.

Sinabi ng isang basher na simula nang iniwan ni Pokwang ang ABS-CBN at lumipat sa GMA7, nalaos na ito. Dagdag pa ng basher, nagsisisi na rin umano ngayon si Pokwang sa kanyang paglipat dahil sa pag-aakalang hindi makakabangon ang ABS-CBN na simula noong nawalan ng prangkisa.

Isang fan naman ang nagtanong kay Pokwang kung totoo ba ang sinabi ng basher tungkol sa kanyang pagsisisi sa pag-alis sa ABS-CBN at pagiging nalaos sa GMA7 ngayon.

Agad namang sumagot si Pokwang, “Jusko saan galing mga animal na ito? dapat ito ang tinatapon sa China! mga mapag gawa ng isaping walang kwenta!”

Itinanggi ni Pokwang ang pahayag ng basher na nagsisisi siyang lumipat sa ABS-CBN para sa GMA Network.

Iginiit niyang masaya siya ngayon sa GMA Network at sa mga oportunidad na binuksan para sa kanya, ngunit hindi nawawala ang respeto niya sa ABS-CBN kung saan siya nanggaling.

“Masaya po ako sa @gmanetwork at mataas din ang respeto ko sa @abscbn both network at ang @tv5 ay mga malaking pasasalamat kopo dahil binuksan nila ang kanilang mga pinto sa aking talento #GratefulHeart sa mga mapag gawa ng kwento sa impierno bagsak nyo!” dagdag ni Pokwang.

Samantalang, inakay ang pagkukusa ni Lee O’Brian na umalis sa Pilipinas matapos panigan ng BOI ang petisyon ni Pokwang para ideport ang dating AFAM na kasama niya.

Nabalitaan na rin ni Pokwang na nag-aayos na umalis sa bansa si Lee.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag si Lee O’Brian o si Pokwang kung tuluyan nang umalis sa bansa si Lee.