
Darren claps back at “can’t sing” comment of netizen
Pumalag ang Kapamilya singer na si Darren Espanto sa isang netizen na nagkomentong hindi siya marunong kumanta.
Ang nasabing komento ng netizen ay base sa performance ni Darren sa ASAP Natin ‘To noong May 11, 2025, kung saan kinanta niya ang “Mona Lisa” ng BTS member na si J-Hope.
Kasama ni Darren na nag-perform sina Iñigo Pascual at Kyle Echarri.
Bagamat tatlo silang kumanto ng “Mona Lisa,” tanging si Darren lang ang napansin ng netizen.
Sa X (dating Twitter) noong May 14, ni-repost ng netizen ang maikling video clip kunsaan makikita si Darren na kinakanta ang verse ng kanta ng sikat na K-pop star na si J-Hope.
Sa caption ng post, sinabihan ng netizen si Darren na kung hindi raw nito magawang kantahin nang maayos ang kanta ni J-Hope ay huwag na ito ang piliin niyang piyesa.
Buong caption nito (published as is): “Dare I say…people who can’t sing need to stop covering his songs, Seriously.”
Malinaw na isang J-Hope fan ang netizen.
DARREN CLAPS BACK after J-Hope song cover criticism
Nakarating ito kay Darren.
Noong May 16, ni-repost niya ang komento ng netizen.
Sinabihan ni Darren ang netizen na bago siya sabihang hindi nakakakanta ay panoorin muna nito ang iba niyang performances.
Inilagay pa ni Darren ang ilang links sa YouTube kunsaan mapapanood ang mga nagdaan niyang performances sa ASAP Natin ‘To.
Katulad na lamang ng pagkanta niya ng “
Sabi ni Darren (published as is), “Hi…Please consider watching my other vocal performances cuz one thing I won’t take is someone telling me I CAN’T SING.”
“Attached here are a few of ‘em:”

Photo/s: Screengrab Darren Espanto on X
Habang isinusulat ang artikulong ito ay burado na ang post ng netizen na kumol-out kay Darren.
OTHER NETIZENS DEFEND DARREN
Samantala, marami namang netizens, partikular na ang fans ni Darren ang nagtanggol sa kanya.
Komento ng isang netizen: “One thing about us Filipinos? We don’t play when it comes to vocals. Don’t ever say Filipino singers can’t sing, that’s our national sport, babe. We don’t need autotune to serve. And I don’t care if you’re an Army, you’re not about to disrespect Darren. Not on our watch.”
Saad pa ng isa: “darren can sing VERY WELL, but the performance in asap was really bad and its actually understandable coz they a have a short period of time to practice while jhope practice for MONTHS to master HIS SONG and he mastered his breathing coz they are trained to sing while dancing.”
Mensahe pa ng isa kay Darren: “You can sing, absolutely, but not everyone can sing and dance at the same time.”
Source: Darren claps back at “can’t sing” comment of netizen