Darla Sauler, received backlash for posting a photo with Toni Gonzaga.


Nakakatangggap ngayon ng pambabatikos si Darla Sauler matapos magbahagi ng larawan kung saan katabi niya ang actress, TV-host, vlogger na si Toni Gonzaga.

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng litrato si Darla Sauler sa kanyang Instagram account kung saan makikitang magkatabi silang nakaupo ni Toni Gonzaga.

Isinulat naman ni Darla sa caption ng kanyang post kung saan kinuha ang nasabing larawang. Inimbitahan din niya ang kanyang mga followers na manood sa full video ng pag-uusap nila ni Toni Gonzaga.

Nag-upload ng panibagong vlog si Darla Sauler sa kanyang YouTube channel noong February 20, 2024 kung saan ininterview niya si Toni Gonzaga para na rin sa panibagong movie nitong My Sassy Girl.

Napag-usapan din nila sa nasabing vlog ang mga lesson learned, forgiveness, at peace.

Kaagad naman itong umani ng samu’t-saring komento mula sa mga netizens, may mga naiinis sa pag-interview ni Darla kay Toni Gonzaga at sa pagpi-flex nito ng larawan nila sa kanyang social media account.

Ipinunto pa ng ilang netizen ang pagkakamali ng Kapamilya writer dahil tila kinalimutan na umano nito ang mga ginawa ni Toni Gonzaga noon.

Bukod sa Toni Talks From The Heart vlog ni Darla Sauler, nagbahagi pa siya ng isa pang vlog kung saan ni-raid naman niya ang mga bag collections ni Toni Gonzaga.

Marami ang naghinala na baka paraan umano ito para sa pagbabalik ni Toni Gonzaga sa ABS-CBN.

Matatandaan na nauna nang naibalita noon na nagbabalak si Toni Gonzaga na makabalik sa ABS-CBN subalit tinutulan ito ng mga solid Kapamilya fans. Para sa kanila hindi na nararapat na tawagin bilang Kapamilya si Toni Gonzaga matapos nitong suportahan ang mga taong naging dahilan kung bakit nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Matatandaan na nagresign si Toni Gonzaga bilang main host ng Pinoy Big Brother Season 10, matapos makatanggap ng matinding pambabatikos nang mag-host siya sa proclamation rally ng partidong naging dahilan ng pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN.