Daniel Padilla’s Entrance Fee at Themepark Worth Its Weight in Gold
Kamakailan lamang ay ipinagdiriwang ng aktor na si Daniel Padilla ang kanyang ika-29 na kaarawan sa Tanauan, Batangas na dinaluhan ng kanyang mga malalapit na kaibigan sa loob at labas ng industriya ng showbiz at ilang mga kapamilya.
Matapos ang masayang pagdiriwang ni Daniel Padilla sa kanyang kaarawan ay ipinakilala naman niya ang kanyang panibagong negosyo, ito ay ang kanyang theme park na matatagpuan sa Tanauan, Batangas.
Ang theme park kung saan co-owner si Daniel Padilla, na tinawag nilang J Castles ay nagkaroon ng soft opening nitong May 1, 2024.
Samantala, very proud naman si Daniel Padilla sa pagpapalabas ng kanyang panibagong negosyo kung saan sinasabi niya na ito ang first major immersive park sa buong Pilipinas.
Ang J Castles ay nag-ooffer ng magandang karanasan sa dalawang main zone, kung saan ang bawat zone ay binubuo ng siyam na natatanging section.
Kaagad namang naging laman ng mga usap-usapan ang patungkol sa napakalaking entrance fee para makapasok sa J Castles. Ang entrance ay hindi ng 1500-1800 para maenjoy ang kabuuang tour. Maganda naman umano ang view na makikita mula sa castle dahil over looking ito sa dagat.
Ang unang domain ng J Castle na tinatawag nilang Studio Castle kung saan tinatanggap ang mga bisita sa Intro Room, Entrance, Flood Room, Water District, Infinity LED Room, UFO Laser Room, Cosmic Projection Room, Crystal Chairs, at Tropical Rainforest.
Adjacent sa Studio Castle ay ang Pop Castle, kung saan matatagpuan ang Theater Room, Astro Ball, Thrill or Chill, Light Bridge, Space Ship, Disco Room, Game Room, at Giant Rubber Ducky Room.
Umani naman ng samut-saring reaksyon mula sa mga netizens ang nasabing theme park ni Daniel Padilla, marami ang humanga sa aktor sa pagiging business minded nito.
Sa kabilang banda, may ilang mga netizens naman na labis na nadismaya dahil hindi nila kaya ang entrance fee ng nasabing theme park dahil may kamahalan ito.
subalit ayon naman sa kanilang mga tagahanga ng aktor na sulit naman ang ibabayad dahil sa maaring mapasyalan at maexperience sa loob ng theme park.