Daniel Padilla, received comments after cursing in a song.

Mga diwa ng Emosyonal na Pag-awit ni Daniel Padilla sa Post Birthday Celebration Niya

Laman ng mga usap-usapan ngayon ng ilang mga netizens sa kanilang mga social media platforms lalo na sa X, dating Twitter ang emosyunal na pagkanta ng aktor na si Daniel Padilla sa nakaraang post birthday celebration niya noong April 28, 2024.

Hinala ng maraming netizens na tila dinaan umano ni Daniel Padilla sa kanta ang tunay na nararamdaman hanggang ngayon sa dating kasintahan na si Kathryn Bernardo.

Kumakalat din ngayon at trending ang video ni Daniel Padilla kung saan makikita ang kanyang pag-awit sa kantang Hinahanap-Hanap Kita.

Sa isang parte ng kanya, kinwento ni Daniel Padilla ang lyrics ng kanta. Dito na dinagdagan ni Daniel ng mura ang original lyrics ng kanta.

“At libo pang pinagsamahan, mukha yatang nilimot na ng pusong biglang lumisan at may kapiling nang iba,” original na parte ng lyrics na kanta.

Pero, dinagdagan ni Daniel Padilla ang lyrics ng kanta sa pagitan ng lumisan at may kapiling ka nang iba.

“..puso mong biglang lumisan, P_ _ _ _ _ ina!, may kapiling ka nang iba!” naging madamdamin pa umano ang pagsigaw na ito ng aktor na naging dahilan para mahiya ang kanyang mga invited guest at ilang pang turista na nanonood sa kanyang performance.

Nauna na rito ang pagkalat din ng mga video kung saan kinanta rin ni Daniel Padilla ang kaparehong awitin noong naki-jamming siya sa isang banda sa Isla ng Siargao noong nakaraang Pebrero.

Dinagdagan din ito noon ng aktor ng “…Di ko naiintindihan ang nangyayari pero sa likod ng puso at isip ko. Mahal na mahal kita”.

Sa kabilang banda naging masaya naman ang pagdiriwang ni Daniel Padilla sa kanyang 29th birthday kasama ang kanyang mga magulang na sina Karla Estrada at Rommel Padilla. Nakasuporta rin kay Daniel Padilla ang kanyang mga matalik na kaibigan na hindi niya iniwan sa kabila ng mga kontrobersiya na pinagdadaanan.