Daniel Padilla nakita ang lungkot sa mga mata matapos makipaghiwalay kay Kathryn Bernardo

Daniel Padilla: Nalulungkot Pa Rin Matapos ang Hiwalayan kay Kathryn Bernardo

Marami ang nakapansin na kahit isang linggo na ang lumipas mula sa amin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang break up nila, ay malungkot pa rin ang mga mata ni Daniel Padilla.

Ito ang napansin ng mga netizens matapos kumalat ang video clip na ibinahagi ng Star Magic nitong December 7, kung saan dumalo ang aktor sa isang reading session kasama ang kanyang mga kapatid na sina Maggie at Carmela para sa mga batang cancer patients.

Bagama’t ang layunin roon ni Daniel Padilla ay ang magbigay ng saya at aliw sa mga bata, tila hindi niya maitatago ang lungkot ng kanyang mga mata sa tamis ng kanyang mga ngiti.

Kapansin-pansing umano ang lungkot ng mga mata ni Daniel Padilla habang binabasa niya ang mga kwento ng mga bata.

Sa ngayon ay wala pang nakakaalam bukod kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Tanging mga haka-haka lamang ang nagsilabasan na umano’y nambababae si Daniel habang karelasyon niya si Kathryn na siyang dahilan kung bakit ito napagod at nakipaghiwalay na lamang sa kanya.

Matatandaan na ang tanging binanggit lamang ni Kathryn Bernardo noon sa kanyang official statement sa hiwalayan nila ni Daniel na kung nasaktan ang kanyang mga tagahanga mas nakaramdam sila ng sakit sa kanilang paghihiwalay.

Sa mga inilabas na video at larawan ng dalawa ngayon, tila makikitang nasasaktan at nalulungkot pa rin si Daniel Padilla habang si Kathryn naman ay nag-uumpisa nang magmove on.

Makikita kasi sa ibang mga larawan na nakangiti na ang aktres at tila tanggap na tanggap na nito hanggang doon na lamang ang pagmamahalan nila ni Daniel Padilla.

Sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay naging magkarelasyon sa loob ng 11 taon ngunit tuluyan itong natuldukan kamakailan lamang dahil sa hindi pa nila naisip na dahilan.

Hiling naman ngayon ng kanilang mga tagahanga na sana ay maging magkaibigan pa rin silang dalawa kahit papano kahit na magkabalikan pa sila.