Daniel Padilla Nagpapasalamat Kay Kathryn Bernardo Sa Kanyang Panghabambuhay na Kontrata sa Kapamilya Contract Signing


Naganap na ang pinakahihintay ng mga solid fans ng aktor na si Daniel Padilla, ang muling pagpirma niya ng kontrata sa Star Magic at sa ABS-CBN.

Nitong February 12, 2024 muling pumirma ng kontrata si Daniel Padilla sa ABS-CBN matapos ang controversial na paghihiwalay nila ng kanyang longtime girlfriend na si Kathryn Bernardo at sa gitna ng mga natatanggap niyang pambabatikos.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat si Daniel Padilla ang nakakatanggap ng matinding pambabatikos dahil ito ang sinisisi ng mga netizens sa naganap sa pagitan nila ni Kathryn Bernardo kahit pa, wala namang inilalabas na opisyal na pahayag ang aktres patungkol sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Samantala, sa muling pagpirma ni Daniel Padilla ng kontrata sa Star Magic at sa ABS-CBN kabilang sa mga pinasalamatan niya ay si Kathryn Bernardo na nakasama niya sa trabaho ng matagal na panahon.

Pinasasalamatan ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo dahil naging malaki itong parte ng kanyang buhay. Narito din ng aktor na kailanman ay hindi mawawala sa kanyang isipan ang mga pinagdaanan nilang masasayang alaala.

Pinasasalamatan din niya ito sa pagsama sa kanya sa mga travels at adventures na kailanman ay hindi niya nakalimutan kahit na ngayon ay naghiwalay na sila ng mga landas.

Bukod kay Kathryn Bernardo, pinasalamatan rin ni Daniel Padilla ang lahat ng KathNiel fans na nagbibigay ng pagmamahal at pagsuporta sa kanila ni Kathryn Bernardo mula ng mag-umpisa ang kanilang relasyon hanggang matapos ito nitong nakaraang taon.

Ipinahayag pa ni Daniel Padilla na walang ibang fans club ang makakapantay sa KathNiel sa klase ng pagmamahal at pagsuporta na ibinibigay ng mga ito sa kanilang dalawa ni Kathryn Bernardo.