Daniel Padilla Nadulas Sa Kanyang Speech Contract Signing 2024 Sa contract signing ni Daniel Padilla noong 2024, nadulas siya sa kanyang speech.


Naging mainit na usapan ang mga binitawang pahayag ni Daniel Padilla sa kanyang contract signing

Nitong February 12, 2023, pumirma muli ng panibagong kontrata si Daniel Padilla sa Star Magic at ABS-CBN. Matapos ang mga haka-haka na lilipat na siya sa ibang talent agency dahil sa hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.

Nagbigay ng mensahe si Daniel Padilla para sa ABS-CBN, kanyang pamilya, Kathryn Bernardo, at kanyang mga fans na labis niyang pinasalamatan sa pagsama sa kanyang journey bilang artista.

Nakakuha ng atensyon ng mga netizens ang pahayag ni Daniel Padilla kung saan tila nadulas umano ito at inamin na may mga natatanggap siyang mensahe mula sa mga netizens na totoo bagaman masakit.

Ang mga netizens naghinala na ang sinasabing totoo ni Daniel Padilla ay ang natatanggap niyang pambabatikos mula sa mga fans ni Kathryn Bernardo.

Bagama’t wala namang inamin, marami ang nagsasabi na isa sa mga isyu kay Daniel Padilla ay ang nangyari sa pagitan nila ni Andrea Brillantes.

Matatandaan na naging mainit na usapan noon ang pag-amin ni Andrea Brillantes kay Kathryn Bernardo sa nangyari sa kanila ni Daniel Padilla, na naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

Mula noon ay hindi na tinantanan ng mga isyu si Daniel Padilla, naglabasan rin ang iba pang mga pangalan ng mga babaeng nakarelasyon noon ng aktor.

Naging tahimik si Daniel Padilla sa mga naglabasang isyung ito patungkol sa kanya, kaya naman dahil sa umano’y pagkakadulas ng aktor sa kanyang pinakabagong pahayag, marami ang napapatanong sa dami ng mga natatanggap niyang pambabatikos at sa rami ng mga naglabasang isyu patungkol sa kanya.

Alin sa mga ito ang totoo na bagaman masakit wala siyang ibang nagawa kundi ang tanggapin ang mga pambabatikos.