Daniel Padilla Heartbroken Over Kathryn Bernardo’s Courting by Alden Richards

Nagbigay na ng reaksyon ang aktor at singer na si Daniel Padilla na patungkol sa panliligaw ni Alden Richards sa dating girlfriend at ka-loveteam na si Kathryn Bernardo.

Kamakailan lamang ay naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang isyung panliligaw ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo matapos mamataan ang aktor sa kanilang mga pagtitipon at pagdiriwang ng pamilya ng aktres.

Unang namataan magkasama sina Alden Richards at Kathryn Bernardo matapos ang hiwalayan ng aktres kay Daniel Padilla noong ipinagdiriwang nito ang kanyang kaarawan sa El Nido, Palawan. Kumalat pa noon ang video kung saan inalayan **ng kanta ni Alden si Kathryn Bernardo na hindi naman umano nito kadalasang gingagawa.

Nasundan naman ito noong post birthday celebration ni Kathryn Bernardo kasama ang kanyang glam team at pamilya. Makikitang binigyan pa ni Alden Richards si Kathryn Bernardo ng mamahaling bulaklak at regalo.

Pinag-usapan rin ang mga sweet moments nila habang kumukuha ng mga pictures. Naroon din si Alden Richards kasama ni Kathryn Bernardo sa house blessing ng multi-million dreamhouse ni Kathryn Bernardo.

Sa kabilang banda, naghihinala ngayon ang ilang mga netizens na hindi na nakita ni Daniel Padilla ang kanyang nakikita sa social media kung saan mahihinuhang talagang nakalimutan na siya ni Kathryn Bernardo.

Kaya naman sa katatapos na birthday celebration niya sa Tanauan, Batangas, inilabas niya ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng isang kanta.

Muling kinanta ni Daniel Padilla ang awiting alam naman ng lahat na inaalay niya para kay Kathryn Bernardo, ngunit mayroon siyang iniibang lyrics na hinala ang lahat ng reaksyon niya sa nangyayari ngayon sa kanyang ex girfriend.

Napamura kasi si Daniel Padilla dahil may kasama sa iba ngayon ang dalaga.