Daniel Padilla Calls Kathryn Bernardo Fans ‘Too Much’

Tinuldukan na ng aktor na si Daniel Padilla ang mga balitang hanggang ngayon ay apektado pa rin siya sa naging hiwalayan nila ng aktres at dating ka-loveteam na si Kathryn Bernardo.

Kaagad na nilinaw ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla ang dahilan ng kanyang pagmumura habang kumakanta sa katatapos na birthday celebration niya sa Tanauan, Batangas.

Kaagad naman itong umani ng samut-saring haka-haka mula sa mga netizens na nagsasabing hindi pa rin siya nakakamove on sa relasyon nila noon ni Kathryn Bernardo at nasasaktan pa rin siya ngayon mayroon nang panibagong manliligaw si Kathryn Bernardo.

Ayon kay Daniel Padilla, naging overacting lamang ang mga netizens dahil ang katotohanan ay nag-eenjoy lamang siya sa kanyang performance.

Inilahad ito ni Daniel Padilla sa isang ambush interview sa kanyang isang news reporter na si MJ Marfori na ibinahagi naman nito sa TikTok.

Bago tumalikod ang aktor ay may pahabol pa siyang mensahe sa relax.

Tila nagpahiwatig rito ang aktor na si Daniel Padilla na hindi siya apektado sa ginagawa ngayon ni Kathryn Bernardo at kung sino-sino ang mga nakakasama nitong mga lalaki.

Matatandaan na bago pa man ang pagdiriwang ni Daniel Padilla sa kanyang kaarawan ay nauna nang kumalat sa social media ang panliligaw ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo ilang buwang nakakalipas ang hiwalayan nila ni Daniel Padilla.

Ayon pa sa mga naglabasang ulat na botong-boto ngayon ang pamilya ni Kathryn Bernardo kay Alden Richards dahil isa itong negosyante, financially stable at responsable. Hindi rin umano ito maangas kagaya ni Daniel Padilla.