Daan-daang Job Seekers nakiisa sa Quarterly Job Fair ng Public Employment Service Office (PESO) Isabela

CAUAYAN CITY- Daan-daang Job Seekers ang dumagsa sa Quarterly Job Fair Ng Public Employment Service Office (PESO) Isabela na ginanap sa Queen Isabela Park, Capitol Compound.

Ilang mga private sectors at Government Agencies ang nakibahagi sa naturang aktibidad na naglalayong makapagbigay ng trabaho sa maraming  mga Isabeleño.

Kabilang rito ang Philippine Army Recruitment Agency maging ang Philippine Navy at iba pang mga ahensya.

Sa naging pahayag ni Dr. Even Jay Diaz, Laborer Sectoral Representative ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, sinabi niya na napakahalaga ng mga ganitong klase ng aktibidad dahil natutugunan nito ang pangangailangan ng mga naghahanap ng trabaho pangunahin na ang mga fresh graduates.

Samantala, nakapagtala ang PESO Isabela ng 32 job seekers na hired on spot bahagyang mababa sa putiryang 10 percent mula sa 500 job seekers na nakiisa sa job fair.