Cristy, nag-aalala kay Alden na apektado ng umano’y taong malapit sa kanya ngayon

Cristy, nag-aalala kay Alden na apektado ng umano’y taong malapit sa kanya ngayon.

– Labis umanong nanghihinayang si Cristy Fermin sa nangyayari ngayon kay Alden Richards
– Ito ay dahil umano sa taong malapit ngayon kay Alden na siyang nasusunod sa lahat ng ginagawa ng aktor
– Tila hindi na raw kasi kasama ngayon ni Alden ang dati nitong road manager na si Tenten
– Bagama’t alam na nina Cristy ang pangalan ng taong ito, hindi nila ito naibahagi gayung nais muna nilang makausap si Alden

Nakarating kina Cristy Fermin sa Showbiz Now Na! ang napapabalita na taong malapit ngayon kay Alden na siyang nasusunod sa kanyang mga gawain.

Nalaman ng KAMI na nababahala umano si Cristy gayung maganda ang naipundar na reputasyon ni Alden sa ilang taon niya sa show business.

“Sino po ‘yung malapit kay Alden ngayon, ‘yung nasa paligid niya na umaakto raw po na high and mighty, na siya ang nasusunod sa lahat ng ginagawa ni Alden Richards.”

“Ang kailangan po ni Alden Richards ngayon ay reality check… Ano dito ang mali, alin ang tama? Sino dito ang mga tao na nakaaapekto sa kanilang tagumpay, sino ang dapat na pagpahingahin? Sino ang dapat na mag-stay sa tabi nila”

Bagama’t alam na nina Cristy ang pangalan ng taong ito, minabuti nilang hindi ito banggitin at nais na makausap muna si Alden ukol dito.

“Nakarating na po sa amin ang pangalan ng taong ito. Kailangan lang po naming kausapin pa si Alden Richards kung gaano katotoo na may isang tao po siyang kasa-kasama ngayon na parang siya ang nagmamando kay Alden ngayon”

Naidetalye pa ni Cristy ang isa pang pagkakataon na hindi kagandahan ang nagawa ng taong ito.

“Sa isang TVC shoot po, meron po itong ginawang pambabastos. Meron daw pong sinabihan itong taong ito ng “out, out”

“‘Di ko alam kung alam ni Alden itong pangyayaring ito pero ‘yun po ang kumakalat sa mga ahensya ngayon”

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy mula sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Alden Richards ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Kamakailan ay maayos na itong bumalik sa Eat Bulaga matapos ang halos dalawang taon na wala sa kanya sa telebisyon.

Samantala, sa ginagawa naman nitong pelikula, agad na napuri siya ng co-star na si Julia Montes.

Kahit dalawang araw pa lamang umano silang nagsu-shooting, nasabi nilang komportable na sila sa isa’t isa.