
Cristy Fermin, naniniwalang mayroon umanong espiya sa Eat Bulaga
Cristy Fermin, naniniwalang mayroon umanong espiya sa Eat Bulaga.
– Ibinahagi ni Cristy Fermin ang kanyang saloobin at ilang mga nalalaman sa pamamaalam ng TVJ sa Eat Bulaga
– Naniniwala umano si Cristy na mayroong espiya sa inaakalang nasa panig nina Tito, Vic, and Joey, subalit nagre-report umano sa totoo nitong kakampi
– Sinegundahan naman ito ng mga kasama niyang sina Romel Chika at Wendell Alvarez
– Kapansin-pansin umano ito dahil sa lahat, tila ito raw ay ‘di masyadong apektado sa mga nangyayari sa longest-running noontime show sa mundo
Naniniwala si Cristy Fermin na mayroong espiya sa mga “Dabarkads” ng Eat Bulaga na naglalabas ng impormasyon sa kanilang mga kasamahan. Ayon sa kanya, ito umano ay nagre-report ng mga nangyayari sa loob ng programa sa totoong kakampi.
Siya ay lumapit sa mga kasamahan niya na sina Wendell Alvarez at Romel Chika upang kumpirmahin ang kanyang hinala. At sumang-ayon ang dalawa sa kanyang teorya na mayroong isa sa kanilang kasamahan sa Eat Bulaga na hindi talaga isang tunay na “Dabarkads.”
“Ako din po, tataya din po ako dito. Sa aming tatlo, tataya po ako ng madiin. Meh alam ako diyan na isa, isa ‘yan na talagang siya yung lumalabas na tagamasid, tagaalam kung anong nagaganap sa loob saka ire-report doon sa kanyang kakampi.”
Nangyari marahil ito ayon kay Cristy dahil ang mga taga-EB Dabarkads ay hindi pinayagang mag-live sa Eat Bulaga at nag-ere na lang ang replay ng programa. Ngunit binigyan ng pagkakataon ng mga staff na mag-live sa Facebook ni Maine Mendoza, na mayroong milyon-milyong followers.
Sa nasabing pag-live, inilabas ng tatlo ang kanilang mga saloobin tungkol sa pag-alis nila sa TAPE at kumpirmasyon na hindi na sila mapapanood sa Eat Bulaga, kahit na ang kanilang kontrata ay umabot pa hanggang 2024.
Ang Eat Bulaga ay kilala bilang pinakamahabang tumatakbo na noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Unang umere ito noong 1979 sa RPN 9, pagkatapos ay naging Kapamilya sa loob ng 6 na taon, at ang huling tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.
Pagkatapos ng paghiwalay nila Tito, Vic, and Joey sa TAPE Inc., na siyang producer ng Eat Bulaga, marami ang nag-aabang sa mga susunod na hakbang ng programa, lalo na ang TVJ na itinuturing na haligi ng nasabing palabas.