Coney Reyes on prodding Vico Sotto about love life: “Ayoko na.”

Inamin ng Coney Reyes, 70, na sumuko na siya pag-uusisa sa love life ng anak na si Pasig City Mayor Vico Sotto, 35.

Tumanggi muna ang veteran actress nang tanungin ni Boy Abunda kung si Vico ay lapitin ng girls.

Pero nagpumilit si Boy. Naging guest si Coney sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda noong September 2, 2024, Lunes.

Inusisa si Coney kung lapitin ng mga babae ang kanyang anak.

Sabi ni Coney, “Siguro. Marami kasi nagkakagusto talaga kahit hindi namin kilala, di ba? Marami, marami talaga.”

CONEY SAYS SHE DOES NOT MEDDLE WITH VICO’S LOVE LIFE

Paglilinaw ni Coney, hindi siya nanghihimasok pagdating sa buhay pag-ibig ng anak niya kay Vic Sotto.

“Hindi ako nakikialam,” giit ni Coney.

Dagdag pa niya, “Pero may mga gusto na, ‘Tita, pakilala natin si ganito, si ganyan.’

“Sabi ko, ‘Sorry, hindi ako nakikialam.’ Tapos sasabihin nila sa akin, ‘Ay, ang strict ni Tita.’

Sagot naman daw dito ni Coney, “Ay, hindi sa strict. Hindi ako strict. Kung strict ako, di, bawal. Wala.”

Inusisa pa si Coney kung hindi ba niya tinatanong noon si Vico kung may nagpapatibok ng kanyang puso at kung kailan ito mag-aasawa.

“Tumigil na akong maggano’n sa kanya,” sagot ni Coney.

Inamin niyang dati raw ay inuusisa ang anak sa ganitong bagay.

Sabi ng aktres, “Noong araw. Noon. Parang, ‘Do you have a girlfriend na? Do you like somebody?’”

Pero giit ni Coney, “Noon. Noon, noon, noon. Ayoko na.”

Vico Sotto and Coney Reyes
Coney Reyes says she no longer asks son Vico Sotto about his love life.

Photo/s: GMA NETWORK

Sinundot pang tanong kay Coney kung may ipinakilala nang girlfriend si Vico sa kanya noon.

“No,” mabilis na sagot ni Coney. “So ako… well, he had ‘girl friends’… friends, mga classmate niya before, mga ganyan…

“And they would all go out as a group, you know, they would all go out of town, or something like that, for a break when pag may mga mahirap silang ano.”

CONEY REYES ON VICO ENTERING POLITICS

Pero giit ni Coney, may tiwala siya sa kanyang mga anak dahil pinalaki niya ang mga ito para maging mabuti.

“Alam ko I’ve raised my children in a way na they know… meron silang fear of God. They know what they’re doing.”

Sa interview ay sinabi rin ni Coney na “medyo nagulat” siya noong magdesisyon ni Vico na pasukin ang pulitika.

Pero sa kabila nito, sinuportahan niya ang anak at piniling irespeto ang desisyon ni Vico.

“I know he doesn’t just make decision overnight like that.

“Parang he consults, he prays.

“Basta I’m so blessed I’m so proud and I just want to encourage him because he’s on the right track and God is with him.