Comelec muling nagpaalala sa September 30 voter registration deadline

Muling ipinaalala ng Commision on Elections (COMELEC) sa bayan ng Baggao na magtatapos sa Setyembre 30, 2024 ang voters registration para sa midterm polls ng Mayo 2025.

Ayon kay Rigior Salvador, election officer na maaaring magparehistro ang mga aplikante sa tanggapan ng Comelec o sa naka-schedule na mobile satelite registration dahil wala nang extension ang September 30 voter registration deadline.

Ngayong araw ay pupuntahan ng komisyon ang Brgy San Miguel sa ikalawang pagkakataon habang sa September 21 naman ang Brgy Tallang na maituturing na malayo mula sa kanilang tanggapan na matatagpuan sa San Jose.

Sinabi ni Salvador na ang mga bagong nagparehistro mula nang binuksan ang voters registration noong Pebrero ay aabot na sa 1,964 na maidadagdag na mga bagong botante sa kabuuang 48,900 registered voters sa naturang bayan.