Comedian Dinky Doo Jr. dies

Sumakabilang buhay na ang comedian na si Dinky Doo Jr.

Kinumpirma ito ng kanyang anak na babae sa pamamagitan ng Facebook post sa mismong account ng kanyang ama.

Ayon dito, pumanaw ang komedyante kaninang 7:20 A.M. nitong Martes, July 2, 2024.

‘);
});
});
}
});
});

Hindi binanggit kung ano ang sanhi ng pagkamatay ni Dinky Doo Jr.

Buong mensahe ng anak ng komedyante: “Family, Friends, Brethrens… This is his daughter speaking po. I’m here to inform po na wala na po si daddy.

“7:20 AM of July 2, 2024, he was pronounced dead.

“Please, all your prayers to my father and family for him to rest peacefully would be very appreciated.

“like daddy would say, Salamat po sa Dios sa lahat po ng nangyayari.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Bago ito, nag-post din sa Facebook ang kapatid ni Dinky Doo Jr. na si Artstrong Clarion upang ipaalam ang pagyao ng komedyante.

Nakasaad dito: “Fly High Kuya Dinky Doo Jr.

“May your Soul Spirit have a safe Ascension..

“Kamusta mo kami kay Mami and Erpat at kay utol Al at Mel…

“You lived a full life and we are so proud of you… Rest in Paradise

“Mahal ka naming lahat”

Wala ring detalyeng ibinigay si Artstrong tungkol sa dahilan ng pagkamatay ni Dinky Doo Jr.

Bagamat noong 2008 ay napabalita ang pagkakaroon niya ng diabetes at mga kumplikasyon dulot ng high blood.

DINKY DOO’S SHOWBIZ CAREER

Base sa IMDB profile ni Dinky Doo Jr., nagsimula ang kanyang acting career sa pelikulang Inday Inday Sa Balitaw noong 1986.

Madalas siyang gumanap bilang sidekick o kaibigan ng mga bida sa comedy at action films.

Kabilang sa mga pelikulang nilabasan niya ay ang Maria Went To Town (1987), Rock-a-Bye Baby: Tatlo Ang Daddy Ko (1988), Small and Terrible (1990), Nandito Ako (1994), Bala at Lipstik (1994), Kahit Harangin ng Bala (1995), Sa ‘Yo Lamang (1995), Aringkingking: Ang Bodyguard Kong Sexy (1986), Buhay Mo’y Buhay Ko Rin (1997), Ako’y Ibigin Mo Lalaking Matapang (1999), Lalaban Ako Hnaggang Sa Huling Hininga (1999).

Kasama rin sa filmography ni Dinky Doo Jr. ang Markova: Comfort Gay (2000), Mano Mano 2: Ubusan ng Lakas (2001), I Think I’m In Love (2002), Birhen ng Manaoag (2005), Lagot Ka Sa Kuya Ko (2006), Suddenly It’s Magic (2012), at The Fighting Chefs (2013).

Noong 2022 ay sinubukan ni Dinky Doo Jr. ang kapalaran niya sa pulitika nang tumakbo siya bilang konsehal sa District 6 ng Quezon City, ngunit nabigo siyang manalo.

dinky doo jr. campaign
Dinky Doo Jr. ran for councilor of DIstrict 6 of Quezon City in 2022.

Photo/s: Dinky Doo Clarion Facebook