Coldplay, planon ti agretiro kalpasan ti maika-12 nga album da

Inanunsiyo ng bandang Coldplay ang kanilang nalalapit na pagreretiro.

Sinabi ng kanilang vocalist na si Chris Martin na hanggang sa paglabas lamang ng kanilang ika-12 na album ay tuluyan ng mamamahinga ang kanilang banda.

Dagdag pa ng 47-anyos na singer na ang nasabing desisyon ay mula mismo sa mga miyembro ng banda.

Nakatakda kasing maglabas ang grupo ng kanilang ika-10 album sa darating na Oktubre 4 na may titulong “Moon Music”.

Giit nito na nais nilang magkaroon ng personal space.

Ang banda ay binubuo nina Chris Martin, guitarist Jonny Buckland, drummer Will Champion,at bassist Guy Berryman kung saan sila ang nasa likod ng mga patok na kantang “Yellow”, “The Scientist” at “Viva La Vida”.