Coco Martin, may ‘di magandang karanasan kaya ayaw i-celebrate ang kanyang birthday
– Naidetalye ni Coco Martin bakit ayaw niyang ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan
– Bunsod umano ito ng isang karanasan noong kanyang kabataan na hanggang ngayon ay hindi niya malimutan
– Lalo na nang makita ang reaksyon ng kanyang ina sa nangyari
– Sa kabila nito, labis pa rin niyang ipinagpapasalamat ang mga taong nagagawa pa ring maalala ang kanyang kaarawan
Nagbukas ng kanyang puso si Coco Martin ukol sa isang personal na karanasan mula sa kanyang kabataan.
Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naikwento ni Coco ang isang hindi malilimutang karanasan na nagbago ng kanyang pananaw sa mga pagdiriwang, lalo na sa kanyang mga kaarawan.
“Meron kasi ako na hindi magandang karanasan nu’ng bata ako. Kaya honestly ‘pag birthday ko, hindi ako nagse-celebrate.”
Ibinahagi niya ang isang partikular na insidente noong siya ay bata pa, kung saan pinaghanda siya ng kanyang ina ng isang party para sa kanyang kaarawan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon kay Coco, “Pinaghanda ako. Tapos ang ginawa niya inimbita niya ‘yung mga kamag-anak ko sa Arayat, Pampanga. Syempre nagluto ang Mama ko, nag-abala… Walang pumunta.”
Dahil sa pangyayaring ito, naranasan ni Coco ang umano’y isang malalim na trauma na nagbigay epekto sa kanyang pananaw tungkol sa mga pagdiriwang ng kaarawan. “Nong nag-birthday ako, in-invite niya ang mga kamag-anak namin doon, walang pumunta. Parang siguro dahil bata ka, parang nagkaroon ka, na-trauma ka,” aniya.
“Hindi ako masaya ‘pag birthday ko tapos may party gano’n. Para bang gusto ko na siyang matapos,” dagdag pa ng Batang Quiapo actor.
Ibinahagi rin ni Coco na bukod sa kanyang sariling karanasan, naaawa siya para sa kanyang ina, na naghirap at naglaan ng oras at pagsisikap para maghanda ng salo-salo para sa kanyang kaarawan. “Naawa ako sa nanay ko, nagpakahirap siya magluto at wala namang dumalo,” pahayag ni Coco, na nagpapakita ng kanyang malasakit at pagpapahalaga sa mga sakripisyo ng kanyang ina.
Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz:
Si Coco Martin na may tunay na pangalan na Rodel Pacheco Nacianceno ay isang aktor, direktor at producer sa Pilipinas. Labis siyang hinangaan sa pagganap niya bilang si Ricardo Dalisay sa FPJ: Ang Probinsyano na tumagal sa ere sa loob ng pitong taon. Sa pagtatapos ng naturang serye, namahinga lamang ng ilang buwan si Coco at balik taping muli siya para sa Batang Quiapo.
Matatandaang naikwento ni Coco Martin sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano na nabigyan na umano niya ng kanya-kanyang bahay at kanya-kanyang negosyo ang apat pa niyang mga kapatid. Ang dalawa pa sa mga ito ay bahagi na rin ng FPJ Batang Quiapo.
Minsan na ring napuri ni Cristy Fermin ang pagiging matulungin ni Coco. Aniya, kulang na lamang ay magpatayo ito ng bahay ampunan sa dami umano ng natutulungan ng aktor.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!