Coach Tim Cone tinawag na painful ang pagkatalo ng Gilas Pilipinas

Matapos matalo sa semifinals ng FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Latviaang Gilas Pilipinas kontra Brazil sa iskor na 71-60 tinawag ni headcoach Tim Cone ang laban na “painful”

Inamin ni Cone na ang pagkawala ni Kai Sotto ay nagkaroon ng malaking epekto sa mahalagang laban na iyon. Bagama’t hindi naman sila nagnanais na magdahilan, kinilala niya na ang pagkawala ng presensya ni Kai sa laro ay malaking factor.

Si Sotto ay isinugod sa ospital matapos ang kanilang laban kontra Georgia, kaya’t sa laro kontra Brazil, siya ay nasa bench lamang at hindi sumabak sa laro.

Gayunpaman, sa kabila ng mga pagsubok, sinabi ni Cone na hindi sapat ang kanilang performance laban sa Brazil.