COA KAY VP SARA: P73-M CONFI FUNDS, ISAULI MO Sa pagdinig ng House Committee on

COA KAY VP SARA: P73-M CONFI FUNDS, ISAULI MO

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations nitong Martes, Agosto 27, binanggit ng Commission on Audit (COA) na labag sa patakaran na sumasakop sa spending ng confidential funds ang paggastos ni Duterte ng mahigit P6.66 milyon kada araw noong Disyembre 2022, kung saan kabilang umano dito ang procurement ng mga lamesa, upuan, desktop computers, at printers.

Inihayag ni Appropriations Committee chairman at Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, tungkulin ng Kamara na masiguro na ang mga inaaprubahang budget ay napupunta sa kapakanan ng mga Pilipino at nagagastos nang maayos at naaayon sa batas.

Dagdag ng COA sa parehong pagdinig, nakatanggap umano ng liham ang kanilang ahensya mula sa opisina ni Duterte na sinasabihan ang ahensya na huwag bigyan ng kopya ng audit report ng confidential funds ang Kamara.

#PilipinasToday
#OVP
#SaraDuterte