Chloe San Jose shows Angelica Yulo’s posts alluding to her

Hindi nagpatinag si Chloe San Jose laban sa mga batikos sa kanya ng mga kaanak at kakilala ng boyfriend na si two-time Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo.

Sa Facebook nitong Huwebes ng gabi, September 5, 2024, ibinahagi ni Chloe ang aniya’y huli niyang pagsagot tungkol sa mga batikos sa kanya dahil sa boyfriend na si Carlos.

Kasunod ito ng naglipanang screenshots ng pambabatikos sa kanya, na ang ilan ay sini-share ng mismong ama ni Carlos na si Mark Andrew Yulo.

Nagku-comment din si Mark sa mga post patungkol sa anak kung saan nais niyang humingi ito ng tawad sa inang si Angelica Yulo, na tinawag niya umanong “magnanakaw.”

CHLOE’S LAST POST ABOUT THE ISSUE

Sa post ni Chloe, palaban nitong hinamon ang mga taong ayaw umano sa kanya.

Magalit na umano ang nga ito pero nagpapakatotoo lamang siya at sinasagot ang mga kasinungalingang ipinagpakalat tungkol sa kanya.

Aniya: “no need na for a long caption—this is not even all of it lol but here we are for y’all’s entertainment

“if you’re gonna get mad at me for standing up for myself, stay mad. if you’re gonna get mad at me for breaking generational curse, stay mad.

“if you’re gonna get mad at me because i reacted to their disrespect and told the truth, stay mad.

“if you’re gonna get mad at me for standing up for my partner against their toxicity, then stay mad.”

Nandito raw siya hindi upang i-please ang sinuman.

Ang mahalaga ay alam niyang tama ang kanyang ipinaglalaban, at alam daw ito ni Carlos.

Hindi na raw siya magsasalita pa tungkol dito matapos ang kanyang post.

Saad niya, “i’m not here to please anyone, i know what i did and didn’t. feel free to keep believing whatever you see and read online, it doesn’t matter—i know my truth and so does the people around me, most specially mahal Carlos. the universe has my back

“hence, this would be my last time speaking about this. it’s honestly getting boring and over dramatic at this point, as it’s been a long gone issue.

“again, stay mad and goodluck with your pr stunts/pakulo

“much love”

Kalakip ng mensahe ni Chloe ay ang screenshots ng mga mensahe ng ina ni Carlos na si Angelica na tumutukoy raw sa kanya.

Sa screenshots, mababasa ang patutsada ng ina ni Carlos sa isang “hubadera” at “pokpok.” Sa mga post daw nito ay palaging puwet lang ang ipinapakita.

May tinawag ding “mukhang syokoy” si Angelica.

Pati ang mga nakababatang kapatid ni Carlos na sina Karl at Elaiza Yulo ay may tila pinatatamaan din sa kanilang mga komento.

CHLOE on ANGELICA YULO: “she still kept going defaming me”

Bagamat sinabi ni Chloe na hindi na siya magsasalita pagkatapos ng kanyang post ay may pahabol siyang komento ngayong Biyernes, September 6, 2024.

Ayon kay Chloe, sinubukan nila ni Carlos na makipag-ayos sa pamilya ng boyfriend ngunit tumalikod daw si Angelica na tila ayaw nitong maayos ang kanilang gusot.

Kalakip nito ang screenshot sa isang group chat kung saan mukhang nag-leave nang kusa si Angelica.

Sabi ni Chloe: “why didn’t they show this message first? instead they just showed my replies AFTER.

“we were trying to talk to her to fix the issue and yet she thinks it’s just a waste of time to address it. she really didn’t want to fix anything at all, we added her back in and again, she left.

“after she left, she kept posting degrading comments towards me on her FB wall and stopped replying to us when we were still trying to communicate. which now explains the frustration sa replies ko, as she was not replying and yet has so much time to talk down on me and other members of my family on her wall.”

Ayon pa kay Chloe, sinubukan pa umano ng nanay niyang kausapin si Angelica para sana sa “mother to another mother” talk. Pero, wala pa rin daw nangyari at patuloy siyang sinisiraan ng ina ni Carlos sa mga post nito.

Saad ni Chloe: “on top of that, a few months before this gc was made, my mum from australia flew back to manila and talked to her in person and asked her to stop posting about me. a talk from a mother to another mother, however she still kept going defaming me on her posts. now tell me we don’t have the right to react to this kind of behaviour.

“if you’re gonna post screenshots of messages, make sure it’s in the right order. don’t just post it and make the others look bad, when in the first place you started all this and we just responded.

“PEACE”

Chloe San Jose posts screenshots of toxic comments
Chloe San Jose posts screenshots of toxic comments

CHLOE: “after we said sorry to you, we tried to make bawi”

Ang isa pang kuwento ni Chloe ay tungkol sa pagnanais umano nilang magkasintahan na maging maayos muli ang relasyon ni Carlos sa pamilya nito.

Gumawa raw sila ng paraan upang mabisita ang pamilya ni Carlos sa Maynila upang bumawi.

Ginawa rin daw nila ito sa mga espesyal na araw tulad ng Pasko.

Pero malamig daw talaga ang pakikitungo sa kanila ni Angelica at tila pinagtataguan sila.

Lahad ni Chloe, “why don’t you make kwento also that after we said sorry to you, we tried to make bawi by visiting leveriza a few times (christmas + new year season; we even attended the christmas mass together, where your whole family was wearing a costumized tshirt but none for caloy and i. making us look and feel out of place) and everytime we went there you would go up to the room to hide to not interact with caloy and i. and yet, when caloy and i are about to leave we would still go up to your room to say our goodbye.”

Minsan daw ay nagdadala pa sila ng pasalubong para peace offering, ngunit ipinamimigay lamang daw ito ni Angelica sa mga kapitbahay.

Pagtatapos niya, “one of the times na nag visit kami ni caloy, we brought you back a pasalubong and you said something along the lines; “pinamigay ko nga sa kapitbahay kasi hindi naman ako kumakain ng flavour na yan”. i’m sorry, kasalanan pa namin that we didn’t know what flavour you wanted—we just thought it would be nice to bring back something for you.”

Chloe San Jose posts screenshots of toxic comments
Chloe San Jose posts screenshots of toxic comments

CHLOE REACTS TO MARK YULO’S COMMENT

Bago pa nito, sinagot na rin ni Chloe ang komento ng ama ni Carlos na si Mark noong September 4, 2024.

Alam daw ni Chloe na hindi si Mark ang nagkomento sa post ni Carlos.

Tila ipinapahiwatig ng nobya ni Carlos na may ibang gumamit ng Facebook account ni Mark at ito ang nagkomento sa post tungkol sa Olympic champion.

Hindi malinaw kung sino ang tinutukoy ni Chloe, pero dahil tila gusto raw ng nagkomento na ilabas sa publiko ang kanilang hidwaan, sana ay sabihin din nitong “sinumpa” ng tinawag niyang “Tita Angge” si Carlos bago ito sumabak sa Paris Olympics 2024.

Ang “Tita Angge” na tinutukoy nito ay ang ina ni Carlos na si Angelica, ang ina ni Caloy.

Sabi ni Chloe sa ama ni Carlos: “pasensya na po kayo tito, alam ko po na hindi po ikaw ang nag comment nito.

“pero kung gusto niyo po talaga ng ganito, bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni tita angge na gagapang si caloy sa lupa before po siya mag qualify sa olympics last year… :))”

Ayon pa kay Chloe, may binitawan pa umanong salita si Angelica na “hinding hindi na mananalo si caloy” sa laban.

Aniya, “sinabi pa po niya na kahit ilang rosaryo pa ang ipadala niya kay caloy ay hinding hindi na po mananalo si caloy”

Pero bago raw lumipad si Carlos papuntang Paris Olympics ay nagbilin ng magagandang salita ang kanyang amang si Mark.

Saad ni Chloe, “kinuwento pa po sakin ni caloy before siya lumipad po sa olympics na sinabihan niyo po siyang galingan niya at ipagdarasal niyo po siya para pag nanalo po siya eh wala na silang masabi po jan sa bahay.

“dahil ang sabi niyo po kay caloy ay marami po kayong naririnig na hindi magagandang salita sakanila.”

Ayon pa kay Chloe, matagal at ilang beses na umano silang nag-sorry ni Carlos at sinubukang makipag-usap, pero walang nangyari.

Sinabi rin ng girlfriend ni Carlos na “nakapagpatawad” na sila.

Umaasa raw siyang magkakaayos din silang lahat sa takdang panahon.

Pahayag ni Chloe” “matagal na panahon at ilang beses na po kami nag sorry ni caloy at nag try makipag usap po sainyong lahat, pero bakit po ganito?

“pero wala na po yun tito eh, nakapag patawad na po kami and we’re always praying for you po.

“godbless us all po, let’s all pray na lang po for healing, guidance and love from HIM”

READ MORE: