Chloe San Jose Ngiting-Wagas Sa Ginto Ni Caloy


 Isang nakakakilig at taos-pusong mensahe ang ipinost ng singer at social media personality na si Chloe San Jose para sa kaniyang kasintahan, ang kilalang gymnast at two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo. Sa kaniyang Instagram post, ipinahayag ni Chloe ang kaniyang buong suporta at pagmamalaki para kay Carlos na muling nagtagumpay sa 2025 Men’s Artistic Gymnastics Junior Asian Championships na kasalukuyang isinasagawa sa Jecheon, South Korea.

Makikita sa nasabing post ang ilang larawan nila ni Carlos, kung saan kitang-kita ang mga medalya niyang bronze at gold na kanyang nakamit sa kompetisyon. Sa caption ng post, ipinaabot ni Chloe ang kaniyang damdamin sa pamamagitan ng mga matatalinghagang salita na tunay na puno ng pagmamahal at paghanga.

Aniya sa panimula, “My mahal, my champion—as you stepped onto the floor again, know that my heart is with you, always.”

Dagdag pa niya, hindi lamang atleta ang turing niya kay Carlos kundi isang halimbawa ng tapang at determinasyon sa gitna ng mga pagsubok. 

“You are more than an athlete—you are a living testament to grace under pressure, strength guided by purpose, and love led by the faith you carry; not just in your body, but in your spirit,” ani Chloe.

Lubos din ang pasasalamat niya sa pagkakataong nasaksihan niya ang paglalakbay ng kaniyang minamahal sa larangan ng sports. “Thank you for showing the world what quiet strength and unwavering dedication look like. And I thank the universe every day for the blessing of witnessing your journey up close.”

Puno ng pagmamalaki at emosyon, sinabi rin ni Chloe, “I celebrate your victory and the fire that burns so brightly in you. I’m so so proud of you and will always be cheering for you—not just as an athlete, but as the man that you are.”

“Congratulations, dada,” pagtatapos niya sa kanyang mensahe.

Samantala, mabilis namang nagkomento si Carlos sa post ng kaniyang kasintahan. Sa simple ngunit punong-punong mensahe, sinabi niya, “Iloveyou mahal ko.”

Noong Sabado, Hunyo 7, muling pinatunayan ni Carlos Yulo ang kaniyang galing sa floor exercise category ng men’s gymnastics matapos niyang makuha ang gintong medalya. Ito na ang ikaapat na pagkakataon na naiuwi ni Caloy ang gold medal mula sa parehong category sa Asian Championships, na nagpapakita ng kanyang consistent na kahusayan sa naturang disiplina.

Bukod sa kanyang tagumpay sa floor exercise, nasungkit din niya ang bronze medal sa men’s individual all-around event na ginanap noong Huwebes, Hunyo 5. Ang all-around event ay isa sa pinaka-komprehensibong kategoriya sa gymnastics dahil sinusukat nito ang kabuuang galing ng isang atleta sa iba’t ibang apparatus.

Ang tagumpay ni Carlos Yulo ay hindi lamang tagumpay para sa kanya kundi para sa buong bansa. Sa likod ng bawat medalya ay hindi lamang mabigat na training at disiplina, kundi pati na rin ang suporta ng mga taong naniniwala sa kanya—tulad ni Chloe San Jose na walang sawang nagpapakita ng pagmamahal at paghanga sa kanyang partner.

Sa panahon ng tagumpay at sakripisyo, tunay na inspirasyon ang kwento nina Carlos at Chloe—isang kwento ng dedikasyon, suporta, at pag-ibig na lalong nagpapatingkad sa bawat medalya at tagumpay.

Source: Chloe San Jose Ngiting-Wagas Sa Ginto Ni Caloy