Chinese na naputulan ng hinlalaki habang naglalayag sa Antique, tinulungan ng PCG

Tinulungan ng mga medical personnel ng Philippine Coast Guard ang isang tripulanteng Chinese na aksidenteng naputulan ng kaliwang hinlalaki dahil sa fan blade habang naglalayag sa Semirara Port, Caluya, Antique kamakalawa.

Ang nasabing Chinese ay 35 anyos na isang second engineer ng Hongkong-flagged bulk carrier na MV BBG Qinzhou.

Galing ang barko mula sa Nansha, China at patungo sanang Tanjung Bara, Indonesia nang mangyari ang insidente.

Idineploy naman ng PCG ang BRP Kalanggaman sa kinaroroonan ng Chinese vessel na nasa 1.5 nautical miles ng Nogas island, Antique.

Nilapatan ng 4 na PCG medical personnel ng paunang lunas ang pasyente habang papunta sa Muelle Loney Wharf sa Iloilo City bago siya ipinasakamay sa sa barko na nagdala sa kaniya sa pinakamalapit na ospital para karagdagang medical attention.