Chief PNP si Gen. Torre
Napili ni Pangulong BongBong Marcos si Maj. Gen. Nicolas Torre III Director ng PNP Criminal and Investigation Detection Group (CIDG) bilang bagong Chief PNP.
Sa nakaraang kolum, nabanggit ng inyong lingkod na dalawa ang matunog na kandidato para maging Chief PNP. Ito’y sina Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez, miyembro ng Philippine Military Academy Class ’92 at itong si Maj. Gen. Torre na miyembro naman ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class ’93.
Si Torre ay na-assing sa Central Luzon, ang una ay bilang Chief of Police ng Mabalacat City; sumunod Police Regional Office-3 (PRO3) chief Operations; at PRO3 Directorial Chief of Staff (CDS). Ito’y noong termino nina dating PRO3 Dir. BG. Rudy Lacadin hanggang kay Lt. Gen. Rhodel Sermonia.
Halos nagtagal ng isang taon bilang CDS si Torre sa PRO3 bago ito nabigyan ng mga “assignment” sa iba’t ibang police offices hanggang naging CIDG Director ito.
Si Torre ang namuno sa pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboly na kung saan kinasuhan pa ito ng “human trafficking” noong Marso 2025.
At ang maaaring matapang na ginanpanan ni Torre bilang CIDG director ay ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na kung saan batay sa warrant inisyu ng International Criminal Court sa kasong “crimes against humanity.”
Dito naging kontrobersyal si Torre at naging “talk of the town” at bigla itong sumikat sa publiko.
Ayon sa mga police officer nakausap ng Dateline, inaasahan na raw nila na si Torre ang magiging next Chief PNP, ito’y dahil marami itong naging “big accomplishments” lalo na iyong pagka-aresto kay dating Pangulong Duterte na kung saan buong tapang nitong ginawa ang kanyang “trabaho.”
Si Torre ay 55-year old na noong Marso 11 kaya mayroon ba siyang 9 na buwan bago ang kanyang “retirement.”
Nakatakdang mag-assume of office si Gen. Torre sa darating Hunyo 2.
Sa pag-upo ni Torre bilang Chief PNP, ito na ba ang simula ng mga PNPA graduates para makahawak ng magagandang posisyon sa PNP? Nagtatanong lang po.
Congrats PNP Chief Gen. Nicolas Torre III. You deserved the highest position ing the PNP…..Mabuhay po kayo sir.
Source: Chief PNP si Gen. Torre