Chie Filomeno calls out Dawn Chang for spreading “lies”

Walang habas na kinol-out sa X (dating Twitter) ni Chie Filomeno ang kapwa actress-dancer na si Dawn Chang matapos siya umano nitong patutsadahan sa isang interview kamakailan.

Noong October 18, 2024, nakapanayam nina Anjo Yllana at Stanley Chi si Dawn sa One News YouTube segment na Men’s Room.

Chie Filomeno calls out Dawn Chang for spreading

Photo/s: Screengrab One News PH on YouTube

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Dito ay natanong si Dawn kung sino ang kapwa-artista na kanyang nakaaway.

Sagot ni Dawn, “Meron ba? wala akong maalala.”

Sabay kabig na, “Ah, mayroon pala, yung ano, pero ang tagal na nun.

“Isa lang naman, tsaka hindi ako ang nang-away, siya ang nang-away sa akin.”

Ayaw na sana itong pag-usapan ni Dawn kundi lang dahil sa pamimilit nina Anjo at Stanley.

Aniya, “Tapos na kasi e, ayoko nang [balikan]. I’ve moved on. Pero for fun, ibubulong ko sa inyo.”

Pangangantiyaw ni Anjo, “Hulaan ko na lang, si Cristy Fermin.”

Sabay dugtong ni Stanley na, “Hindi Cristy Fermin, pero same initial.”

Nang marinig ito, hindi na napigilang humalakhak sa tawa ni Dawn na tila pagpapahiwatig na tama ang hula ni Stanley.

Saad niya, “Oo nga, no, alam mo may curse yang initials na yan sa akin.

“Pero hindi ako nang-aaway ng tao pero ipinagtatanggol ko yung sarili ko.”

Sa puntong ito ay ikinuwento pa ni Dawn kung paano nagsimula ang gusot sa pagitan nila ng artistang may initials na “CF.”

Pagbabalik-tanaw niya, “Nagre-rehearse kami inagawan ako ng posisyon, nagre-rehearse pa lang kami non.

“Tapos ano, may galit siya… nagpa-interview siya, sinabi niya na ako raw yon.

“Sabi ko naman, ‘Ha, hindi naman ako yung kaaway mo, di ba, kundi yung isa? Kayo yung nagsabunutan, ayun naman yung sinabunutan mo hindi naman ako.'”

CHIE FILOMENO REACTS TO DAWN CHANG’S STATEMENT

Bagamat walang binanggit na pangalan si Dawn kung sino ang kanyang pinapatungkulan, maraming netizens ang naghinala na ito’y walang iba kundi ang dating GirlTrends co-member niyang si Chie.

Nitong Biyernes, January 24, isang netizen ang nag-post ng artcard kunsaan nakalagay ang naging pahayag ni Dawn sa artistang nakaaway niya.

Kalakip nito ang caption na (published as is), “Chie Filomeno mare nabunot ka.”

Nakarating ito kay Chie, kaya agad-agad din siyang bumuwelta.

Ni-repost niya ang post ng netizen, at sa caption ay iginiit nitong inagawan niya diumano si Dawn ng posisyon sa sayaw.

Matapang na tweet ni Chie (published as is): “Oh bakit nahiya ka pa pangalanan ako @thedawnchang?

“About the rehearsal, that NEVER happened. At alam ng prod sa Showtime yun, actually yung staff sa showtime nagsabi sa akin about this kanina at nagulat din sila.

“Your mouth is full of lies talaga no?”

Ipinagtanggol din ni Chie ang sarili sa umano’y pananabunot niya sa isa pa nilang kasamahan noon ni Dawn.

Sabi niya, “Sige nga bakit ko muna hinila yung buhok? Balik ko sa’yo sinabi mo “Pinagtanggol ko lang sarili ko ah””

Sa sumunod na post ni Chie, sinabi niyang naka-move on na siya sa isyu kung kaya’t ngayon ay hindi niya maintindihan kung bakit ibinabalik pa rin ito ni Dawn.

Aniya, “Naka move on na lahat. Tahimik na buhay ko, andoon pa din si ate mo Dawn.

“2025 na, tumigil ka na kung hindi mo kaya mag name drop.”

CHIE-DAWN’S FEUD

Matagal nang napapabalita ang hidwaan sa pagitan nina Chie at Dawn na nagsimula nang maging miyembro sila ng GirlTrends noong 2019.

Ang GirlTrends ay ang all-female group na napapanood noon sa ABS-CBN noontime program na It’s Showtime.

Sa kabila ng kanilang hindi pagkakasundo, walang detalye kung saan at paano ito nagsimula.

Shopping cart