Chess grandmaster ng Bangladesh, namatay sa kalagitnaan ng paglalaro

Namatay si top-ranked chess grandmaster Ziaur Rahman ng Bangladesh sa edad na 50 matapos na makaranas ng stroke at bumagsak sa kanyang board sa kalagitnaan ng national championship match.

Sinabi ni Bangladesh Chess Federation general secretary Shahab Uddin Shamim na bumagsak si Ziaur sa 12th round martch ng torneo laban sa kapwa grandmaster Enamul Hossain bago siya idineklara ng patay ng ospital sa Dhaka, Bangladesh.

Ayon kay Shamin, agad na dinala ng players at offcials na nasa hall room si Ziaur sa ospital ng siya ay bumagsak.

Subalit, sinabi ng mga doktor na patay na siya.

Si Ziaur ang highest ranked sa limang chess grandmasters ng Bangladesh