Chanty Videla K-Pop idol dreams of becoming a pageant queen

Popular man ang mga South Korean groups ay umaalagwa na rin ang mga Pinoy boy groups tulad ng SB19 na pure Pinoy.

Kaya naman nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Chanty Videla, ang nag-iisang Pinay sa Korean girl group na Lapillus, ay hiningan namin siya ng comment tungkol sa pagsikat ng Pinoy pop o P-pop.

“Ano po, I feel so proud,” bulalas ni Chanty.

“And siyempre kasi yung mga Filipino naipapakita natin sa international stage na kaya rin natin yung mga ginagawa ng mga K-pop or kahit na sino man iyan.

“And magagaling naman po kasi talaga ang mga Pilipino, lalo na po sa pagkanta and kilala rin po tayo na magagaling na singers.

“So I’m happy na isa po ako sa mga Filipino na may opportunity to share our talents po in the international stage, just like SB19.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

what CHANTY VIDELA learned from being in lapillus

Ang South Korean girl group na Lapillus ay may anim na miyembro na kinabibilangan nina Chanty, Shana, Yue, Bessie, Seowon, and Haeun.

So far, ano na ang nagawa sa kanya ng pagiging miyemro ng Lapillus?

Lahad ni Chanty, “Siguro po yung experience ko po na maging independent.

“Kasi alagang-alaga po ako sa bahay namin, e. So the moment na tumira po kami sa Korea, I had to go through everything.

“Yung paglalaba, paglilinis ng dorm namin, ng banyo, ganyan, lahat po yun.

“Ako lang po yung gumagawa, so siguro isa yun po sa mga natutunan ko, independence.

“And yung work ethics na rin po ng Korea, kasi kakaiba rin po yung pagka-strict nila sa lahat ng bagay, and of course yung Korean fans, opo.”

Isa sa maituturing na kilalang grupo sa South Korea ang Lapillus.

chanty videla

Photo/s: @itsmaria.chantal on Instagram

chanty videla’s plans outside of lapillus

Samantala, si Chanty ay maganda at matangkad sa tindig na 5 feet 7 inches, kaya tinanong namin siya kung may plano siyang sumali sa anumang beauty pageant.

Sagot ng 21-year-old singer, “Isa po yun sa mga dream ko rin po in the future.

“Hopefully yeah, matagal-tagal po siyang preparation, so yeah.”

Bukod sa pagiging bahagi ng Lapillus, si Chanty ay isang artist ng Sparkle na talent arm ng GMA.

Gumaganap siya sa bilang si Chanty Villanueva sa GMA teen-oriented show na MAKA.

Nasa MAKA rin sina Zephanie, Ashley Sarmiento, at Marco Masa, at ang iba pang Sparkle teen talents na sina Olive May, John Clifford, Dylan Menor, Sean Lucas, at May Ann Basa na kilala rin bilang si Bangus Girl.

Bida rin sa MAKA si Romnick Sarmenta, at kasama rin ang mga kapwa niya That’s Entertainment alumni na sina Tina Paner, Jojo Alejar, Sharmaine Arnaiz, at Maricar De Mesa, at ang beteranang aktres na si Carmen Soriano.

Ang MAKA ay sa direksyon ng best-selling author na si Rod Marmol, at napapanood ito tuwing Sabado sa GMA, 4:45 ng hapon.