Chanty recalls network transfers from ABS-CBN to TV5 to GMA-7

Busy si Chanty Videla sa pagiging bahagi ng South Korean girl group na Lapillus, pero may panahon siyang mapabilang sa isang bagong project dito sa Pilipinas.

Mapapanood si Chanty sa MAKA, ang bagong youth-oriented show ng GMA-7 na ipapalabas na simula ngayong Sabado, September 21, 2024, at 4:45 p.m.

Kasama ni Chanty sa mediacon ng naturang programa ang kanyang Argentinian father at Pinay mother na parehong nasa Pilipinas.

Ang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Chanty: Paano siya naging bahagi na Lapillus?

Si Chanty ang nag-iisang Pinay sa grupo, at kasama niya rito sina Shana, Yue, Bessie, Seowon, and Haeun.

Lapillus ladies (L-R) Chanty, Bessie, Haeun. Yue Seowon, and Shana
Lapillus ladies (L-R) Chanty, Bessie, Haeun. Yue Seowon, and Shana

Photo/s: @itsmaria.chantal on Instagram

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Well, our company decided to create an international group.

“The company that handles our group, our management.”

Ang tinutukoy ni Chanty ay ang MLD Entertainment na nangangalaga sa kanyang career at ng Lapillus.

Pagpapatuloy niya, “[MLD Entertainment] decided to create an international group, kaya po napasali yung mga foreigners just like me na half Pinay and Argentinian.

“Nag-audition din po ako, and meron din po kaming members na Japanese and Chinese-American, and the rest are Korean.

“So medyo we’re a mix of different countries.”

chanty on growing fame

Taong 2022 nag-debut ang kanilang grupo with the Korean song “Hit Ya!”

Ang kuwento ng dalaga, “We are two years old pa lang po. Bago pa lang po talaga.

“Nakatatlo na po kaming songs so far, and hopefully, meron po kaming newer songs po in the future and that’s what we’re praying for.”

Masasabi ba ni Chanty na mas sikat sila sa South Korea kaysa ibang bansa?

Lahad niya, “Hindi naman po. I think we have a certain fame naman po in different countries, sa Mexico, sa Japan, sa U.S.

“Medyo mix po siya, so di ko naman po masasabi na sobrang sikat na kami, kasi baguhan lang po talaga kami and marami pa po kaming pagdadaanan.”

CHANTY’s encounter with sandara

Tulad ng sikat na South Korean girl group na 2NE1?

“Ay, ano na po sila, legendary po, so that’s the goal,” bulalas ni Chanty.

Nakilala na ni Chanty si Sandara Park o Dara na miyembro ng 2NE1.

Ang iba pang members ng defunct girl group ay sina Bom, CL, at Minzy.

“Na-meet ko po si Ms. Sandara po sa promotion po sa Korea, kasi nagkasabay kami ng promotion one time.”

Nakausap raw niya ito at kahit na nasa Korea sila noon ay Tagalog ang kanilang lenggwahe pag nag-uusap.

“Nag-Tagalog po kami. Nag-TikTok pa po kami together, so sobrang saya po ng experience po.”

chanty’s showbiz career

Kahit na Sparkle artist na si Chanty ngayon ay hindi siya umalis sa Lapillus.

Sa halip ay meron siyang mga local projects as a solo artist.

Paglalahad niya, “Opo, kasi even before I was in Lapillus, I was already an actress here naman po in the Philippines po.

“Sa ABS po before, baguhan po akong actress po before.”

Sa ABS-CBN ay naging parte si Chanty ng Starla ni Judy Ann Santos noong 2019.

During the pandemic ay napanood naman siya sa TV5 show na I Got You ni Beauty Gonzalez.

“Nung nag-start po yung pandemic, that was the time when the Korean company po contacted us and nagkaroon po ako ng opportunity na mag-train po sa Korea.

“Hanggang tuluy-tuloy na po siya na ma-debut po sa Korea.

“Kaya both acting and singing po.”

Paano siya nalipat sa GMA-7?

“Nag-collaborate po yung management namin with GMA-7 to promote our group din po here in the Philippines, especially since I’m also Filipina. So we take pride in the fact na Filipinos are also in the international stage.

“So iyon po yung ano rin, naging reason kung bakit naging part din po ako ng Sparkle.”

Ang napansin ng writer na ito, naikot ni Chanty ang ABS, TV5, at ngayon ay ang GMA bilang Sparkle artist.

“Ang dami ko pong pinagdaanan,” ang natatawang lahad ni Chanty.

Ilang taon ang kontrata niya sa Sparkle?

“Ano po, I think three years po yung napag-usapan ng management namin.”

chanty’s role in maka

Gumaganap si Chanty sa MAKA bilang si Chanty Villanueva na may pagka-bully sa show.

Sa tunay na buhay ba ay naranasan na niyang ma-bully?

Aniya, “Well, I feel really glad and blessed po na hindi naman po ako na-bully.

“Or siguro kasi iba lang po yung pananaw ko sa buhay, so I’m very positive.

“So siguro if ever na na-bully man ako, siguro hindi ko po na-realize na na-bully ako.

“Pero parang hindi naman po, kasi I feel grateful kasi yung parents ko po sobrang loving nila and malaki po yung family namin.

“So I feel really protected by our family and loved.

“So hindi naman… parang wala naman din po akong masyadong ganun karaming exposure po na to socialize with people, and yung lumabas talaga ng bahay, yung makisama sa mga barkada, ganyan.

“Taong bahay po kasi talaga ako, e.”

At tumawa si Chanty.

Nasa MAKA rin sina Zephanie, Ashley Sarmiento, at Marco Masa, at ang iba pang Sparkle teen talents na sina Olive May, John Clifford, Dylan Menor, Sean Lucas, at May Ann Basa na kilala rin bilang si Bangus Girl.

Bida rin sa MAKA si Romnick Sarmenta, kasama ang mga kapwa niya That’s Entertainment alumni na sina Tina Paner, Jojo Alejar, Sharmaine Arnaiz, at Maricar De Mesa; at ang beteranang aktres na si Carmen Soriano.

Ang MAKA ay sa direksiyon ng best-selling author na si Rod Marmol.