Celeste Cortesi flexes new boyfriend Christian Balic Stefanovic
Nagulat ang mga tagahanga ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi dahil sa tila pag-hard launch nito ng bagong boyfriend sa Instagram.
Linggo, September 29, 2024, nagbahagi si Celeste ng mg larawan at video nila ng isang foreigner.
Makikitang sweet na sweet sila sa isa’t isa.
May isa pang short video kung saan naghalikan sila sa labi.
Naka-tag sa post ang isang “Christian Balic Stefanovic.”
Sabi ni Celeste sa caption, “My safe place [heart emoji].”
Nagpalitan ng mensahe ang dalawa sa comments section.
Komento ni Christian, “Honestly, the guy could have ironed properly the shirt [shirt emoji]”
Sagot ng beauty queen, “@itschristianbalic the guy went home to change cuz he dropped a tomato on his shirt (laughing emoji)”
Kung susuriin ang profile ni Christian, may nakalagay ritong “[Spain flag] Expat currently in [Phillippine flag]”
Ibig sabihin, siya ay Spanish national na nagtatrabaho o naninirahan sa Pilipinas.
Sa isang news tungkol sa date ng dalawa, may isinulat ditong si Christian daw ay isang “Spanish model.”
Pero paglilinaw ni Celeste sa kanyang Instagram Story, “Not a model!!! Ahahahahhahaha pls [laughing emojis]”
NETIZENS REACT TO CELESTE CORTESI, NEW BOYFRIEND
Samu’t sari naman ang opinyon ng followers ni Celeste sa comments section ng kanyang post.
Medyo nagulat ang iba dahil nalaman nilang hiwalay na pala sila ng ex-boyfriend nitong si Mathew Custodio.
Ang iba naman ay napa-“sana all” na lamang sa pagiging masuwerte umano ni Celeste sa pagkakaroon ng boyfriend na guwapo at matipuno.
Huling namataang nagpalitan ng mensahe sa Instagram sina Celeste at Mathew noong January 2023.
Isa si Mathew sa nagpakita ng suporta kay Celeste nng lumaban ito sa Miss Universe 2022 sa New Orleans, Louisiana noong January 2023.
Mula noon, hindi na nakitang magkasama pa ang dalawa sa mga post ni Celeste.