Celebrity Kids:

‘I GUESS THAT’S MY WAY OF SUPPORTING HIM’

Ito ang saad ng aktres na si Kyline Alcantara matapos matanong patungkol sa kanilang viral video ng basketball player na si Kobe Paras.

“Ano ang kwento sa likod ng videoke na ito?” tanong ni Boy Abunda kay Kyline sa programa na “Fast Talk with Boy Abunda.”

“Ano po yan, sa bahay po ng super close friend ko, na naging friend na rin po ni Kobe. Andyan po yung mga non-showbiz friends ko. At andyan din po ang aking mga magulang,” kwento ni Kyline.

“First time kasi naming inaasar namin si Kobe na kumanta siya, nahihiya po siya. So I was just there to support him. I guess that’s my way of supporting him,” pahayag pa niya.

📷(YouTube/GMA Network) #KylineAlcantara #KobeParas #CelebrityNews #celebrity