Catherine Camilon suspects Batangas jail

Inilipat na sa Batangas Provincial Jail ang pangunahing suspect sa pagkawala ng beauty pageant contestant na si Catherine Camilon.

Ayon sa ulat ng 24 Oras kagabi, September 20, 2024, mula sa Balayan Municipal Police Station ay nakakulong na ngayon sina dismissed Police Major Allan De Castro at driver-bodyguard nitong si Jeffrey Magpantay sa Batangas Provincial Jail.

Allan De Castro and Jeffrey Magpantay

Photo/s: Courtesy: Sen. Raffy Tulfo in Action on Facebook

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nahuli ng mga pulis mula sa Balayan Municipal Police Station ang dalawang pangunahing suspek sa pagkawala ni Camilon noong September 14, 2024.

CATHERINE CAMILON’S MOM ROSE: “Wala akong ibang hinihiling…”

Dahil sa pagkahuli sa dalawa, nabuhayan ng pag-asa ang magulang ni Catherine na si Rose Camilon na sana ay sabihin na ng dalawang arestado kung saan nila itinago si Catherine.

Sabi niya, “Wala akong ibang hinihiling kundi sasabihin nila yung totoo kung nasaan ang aking anak, kung ano ang ginawa nila, kung saan nila dinala, yun lang.

“Sapul sa simula wala na ho akong hiniling na iba kundi malaman kung nasaan ang aming anak.”

Ayon naman kay Police Lt. Colonel Chitadel Gauiran, spokesperson ng Police Regional Office 4A na hanggang ngayon ay blangko pa rin sila sa kinaroroonan ni Catherine.

Sabi nito, “Of course, siyempre medyo habang tumatagal ay nagiging slim yung chance natin, pero still po, we are still hoping na makita natin si Catherine pero nag-expect din tayo ng worst.”

Sabi naman ni Rose, “Sa totoo lang, ang sakit nandoon. Nandoon yung takot at hirap sa pakiramdam na nandiyan sila pero wala ang aming anak.

“Kung ano man ang magiging kahihinatnan, nandoon yung pag-asa na isang araw baka bumalik pa siya sa amin.”

Sa kanyang Facebook account, nagpasalamat naman si Rose sa mga nakahuli sa dalawang suspect.

Umaasa pa rin siyang babalik ang kanyang anak.

Aniya (published as is), “Anak ndi ko alam kung ano ang aking nrrmdaman..halo halong icipin..bsta ang alam ko tuloy tuloy na ito..saan ka man nroon anak mahal n mahal kitaslmt sa mga taong tumutulong sa atin..CIDG slmt po..lalong higit sa ating mahal na Panginoon”

October 12, 2023 pa napaulat ang tungkol sa pagkawala ng Miss Grand Philippines 2023 candidate at Grade 9 teacher na si Catherine.

READ MORE: