
Cast ng TGIS, nagluluksa sa pagpanaw ni Red Sternberg
– Nagluluksa ang cast ng T.G.I.S. sa pagpanaw ng isa sa kanilang miyembro na si Red Sternberg
– Si Red ay nakilala bilang si Kiko sa youth-oriented show na sumikat noong late 90’s
– Halos pare-pareho ang naging rekasyon ng kanilang cast nang gumulantang ang balitang namayapa na si Red
– Ang T.G.I.S. ang itinuturing na kauna-unahang teen drama sa nasabing henerasyon na napapanood tuwing Sabado ng hapon
Nagdadalamhati ngayon ang cast ng sikat na youth-oriented program noong 1990s na T.G.I.S. sa biglaang pagpanaw ng kanilang kaibigan at dating kasamahan na si Red Sternberg, sa edad na 50.

Source: Facebook
Sa kanya sanang kaarawan ngayon, Mayo 30 kung saan magdiriwang pa sana siya ng kanyang ika-51 na kaarawan, isinapubliko ng kanyang misis na si Sandy Sternberg ang malungkot na balitang pumanaw na si Red noon pang Mayo 27.
Sa T.G.I.S. tumatak ang karakter ni Red bilang si Kiko, kung saan kinatawan niya ang isang pilyo ngunit lovable na kabarkada, na minahal ng maraming tagahanga ng palabas.
Ayon sa mga malalapit sa aktor, ikinagulat ng lahat ang kanyang pagpanaw. Wala pang inilalabas na opisyal na detalye ukol sa sanhi ng kanyang pagkamatay sa oras ng pagsulat ng artikulo.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!
Sa social media, hindi maitago ng ilang dating cast members ang kanilang matinding lungkot. Isa sa kanila ay nagbahagi ng mensaheng, “Our entire barkada is devastated.” Mula sa simpleng onscreen barkadahan, naging tunay na magkakaibigan ang mga artista sa likod ng T.G.I.S., kaya’t hindi maikakaila ang lalim ng kanilang pinagdaraanan sa pagkawala ni Red.
Ilan sa mga nag-post ay sina Angelu De Leon, Ciara Sotto, Michael Flores, Rica Peralejo at One Mig Bondoc.
Narito ang kani-kanilang post na naibinahagi rin ng The Scoop:
Si Red Sternberg ay naging bahagi ng T.G.I.S. noong dekada ’90, kung saan naging paborito siya ng mga kabataan bilang si Kiko. Matapos ang kanyang pag-alis sa showbiz, nagpatuloy siya sa kanyang buhay sa Amerika bilang isang hotel general manager .
Matagal na panahon na ring namahinga sa showbiz si Red. Katunayan, mahigit isang dekada na siyang naninirahan sa Amerika kasama ang kanyang pamilya. Sa isang interview sa kanya ng GMA noong 2021, nabanggit ni Red na pawang pagka-burnout umano sa trabaho sa showbiz ang nag-udyok sa kanya upang mas piliin ang payak na pamumuhay kasama ang kanyang pamilya.
Samantala, ang T.G.I.S. o Thank God It’s Sabado ay naging mahalagang bahagi ng dekada ’90s para sa maraming Pilipino. Bukod kay Red Sternberg, kabilang sa cast ng show sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Michael Flores, Raven Villanueva, Rica Peralejo, Onemig Bondoc, Ciara Sotto, at Jake Roxas. Ang palabas ay naging simbolo ng kabataan, pagkakaibigan, at mga karanasang puno ng aral at emosyon.
Umiikot ang kuwento ng T.G.I.S. sa buhay ng isang barkadahang binubuo nina Peachy (Angelu de Leon), Waks (Bobby Andrews), Kiko (Red Sternberg), Micky (Michael Flores), Cris (Raven Villanueva), JM (Onemig Bondoc), Mitch (Rica Peralejo), Rain (Ciara Sotto), at Joaquin (Jake Roxas). Tinalakay ng serye ang mga karanasang karaniwan sa kabataan—pagkakaibigan, unang pag-ibig, mga pagsubok sa pamilya, at ang mga hamon ng pagdadalaga at pagbibinata. Dahil dito, naging relatable at minahal ito ng maraming manonood.
Sa ngayon, iilan na lamang sa kanila ang aktibo sa showbiz habang ang iba ay mas piniling mamuhay sa labas ng nasabing industriya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!
Source: Cast ng TGIS, nagluluksa sa pagpanaw ni Red Sternberg